CHAPTER 20

2537 Words

"WE'RE not here to enjoy," asik ni Dark sa malamig at malalim na boses. Inilibot ko ang mga mata ko sa boung paligid. Mga nagsisiyahang mga tao. Walang tigil na pagpatay-sindi ng iba't-ibang kulay na mga ilaw. Hiyawan at napakaingay ng boung paligid dahil sa malakas na tugtog na nagmumula sa speaker sa iba't-ibang bahagi ng lugar. Hindi ko maiwasang mapangiwi ng mahagip ng mga mata ko ang dalawang taong naghahalikan sa gilid. Kulang na lang ay may bumulagtang kama ss harap nila dahil kung saan-saan na dumadapo ang mga kamay nila. Unang beses kong makapunta sa lugar na katulad nito. Ganito pala ang nangyayare sa loob ng night club. May mga nagwawala na dahil sa kalasingan o di kaya ay hindi na alam ang ginagawa dahil sa lulong na ito ng alak. Napahalukipkip ako sa tabi, hindi magawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD