CHAPTER 2

2179 Words
NAKATITIG lang ako sa mga mata nitong walang bahid na kahit na anong emosyon. Nakakapanlambot tuhod ang mata nito madilim pa sa gabi. Para bang may hinahalukay ang bawat hagod ng tingin nito sa bawat parte ng kaluluwa ko.  Hindi ko maiwas ang titig nito sa kanya na para bang may magnet ang mga ito na hindi ko pwedeng iwasan o maitanggal ang pagkatitig sa kanya. Siguro may scanner ang mga mata nito at nagp-partey-partey na ang isip nito sa nakikita. Hala! May butas pa naman ang panty ko!   Napakagat-labi tuloy ako at napayuko. Anu ba itong pinag-iisip ko. May biglang tumikhim dahilan para malipat ang tingin ko sa taong iyon. May pag-alinlangan akong ngumiti sa taong tumikhim.  "Magandang umaga..." nag-alinlangan pa akong batiin sila pero nakakahiya naman kung hindi. Nakikitulog pa naman ako dito. "Good morning, Lady Aileen..." sabay makalaglag panting ngiti ng isa sa kanila. Bakit ang cute niya pagngumi-ngiti siya ng ganyan? Napakapormal nito sa suot nitong itim na amerikana. At napakalinis din ng buhok nito na parang dinilaan ng kalabaw sa sobrang linis ng pagkakaayos. Hindi kasingkatulad noong nakaraang gabi na para itong bagong gising sa hitsura nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang napakatuwid rin ng tindig nito sa tabi ng taong nagmamay-ari ng kulay itim na mga mata na kanina pa nakatitig sa akin. Napapansin ko rin ang iba pa nitong kasama na nakatitig ng mariin sa akin. Uhm, mali ata ang napasukan kong silid. Para kasing nakakatakot ang mga titig nila sa akin na anumang sandali ang parang gusto nila akong patayin. Wag naman sana. "Is that the woman what you are talking about, Dark?" Naagaw ang atensyon ko sa lalakeng pagmamay-ari ng may kulay abong mga mata. Mataman ang pagkatitig sa akin. Napakunot ang noo ko. "Mukhang siya nga." Sagot naman isa pa na katabi lang nito. Napakalawak ng ngiti nitong nakatitig sa akin. "Hi, I'm Jaycob Vios. At your service, beautiful." Sumaludo pa ito sa akin na ikinangiwi ko. Tindig at pananalita pa lamang ay halata ng palakero na ang isang ito. "Isa lang siyang pangkaraniwang babae," gatol naman ng isa pa. Nakaupo ito sa Kaliwang bahagi ng upuan. "Yeah, hindi nga siya pumasa sa taste ko, are you sure about this, Dark." bulalas naman ng katabi nito. Nakuha nito ang atensyon ko dahil sa kulay berde nitong mga mata. Para bang may laman ang mga ito pero hindi ko matukoy. At teka lang, iniinsulto ba ako ng hinayupak na ito? Ningisihan niya ako ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya dahilan para agad akong umiwas ng tingin rito. Nakakahiya. "Dark my friend, mukhang ako ang type ng babaeng napili mo." Sabay tawa naman nito. Hindi ko talaga sila maintindihan. Nakatunganga lang ako sa harapan nila. Imbis na sumagot ang huli ay mariin lang itong nakatitig sa akin. Napalunok ako.  Sa uri ng titig nito ay para akong kakainin ng buhay. Nakakatakot siya sobra. Para akong maiihi sa takot.  Mas nakakatakot pa sa ipis na lumilipad at sa asong ulol. Napakagat ako sa labi ko. Ganito ako kapag kinakabahan o natatakot. Hindi ko namamalaya na mapapakagat na lang sa labi. Mannerism kung baga. Napansin kong mas lalo pa ang pagtitig nito sa akin. Habang gwapong-gwapo akong tinitigan siya ay hindi ko mapigilan ang hagurin ang napaka-kinis nitong mukha. From his dark-eyes his all perfect pointed nose and his thin pinkish lips. Na parang nabibihighani akong halikan ito. At ang mautoridad nitong mga panga. "Leave," nagising ako sa aking pagpapantasya ng marinig ko ang barituno nitong boses. Kumurap ako ng dalawang beses. Totoo ba itong naririnig ko? Isang salita lang iyon pero nagawa nitong mangatog ang mga binti ko. Nilingon naman siya ng mga kasama niya na may kunot aa noo. "Come again?" Basag ng isa nitong katabi. "I said leave." Ulit nito na sa akin nakatitig. Ah, ako siguro ang tinutukoy ng lalaking ito. Kaya akma na akong aalis ng marinig ko ulit ang boses nito. "not you, woman." Napahinto ako at nilingon siyang nakakunot ang aking noo. Akala ko ba ako ang pinapaalis niya? Nilingon ko ang mga kasama nitong nagsitayuan. "Ay, anu ba yan. Akala ko makakain na ako ng libre." Reklamo ng lalaking nagpakilala sa aking Jaycob at nagkakamot pa ito ng batok. "Maaga pa akong gumising makita ko lang ang sinasabi tapos papaalis mo lang kami?" Segunda ng lalaking may berdeng mga mata. "Nuh, matutulog ulit ako." Naghihikab pang ani ng isa pa sa kanila. Tinitigan ko lang sila hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. "Call me if you need anything, premo." Bahagyang yumuko si Kidd na butler ng lalaking ito. Hanggang sa lumabas ito ng kumidor ay doon parin ang titig ko sa nilabasan nito. Malakas akong napabuga ng hangin. What now? Ako at ang lalaking ito na lang ang natitira rito. Ramdam ko parin ang titig nito kahit hindi ko siya makita. Mas bumilis ata ang t***k ng puso ko ng bigla itong tumayo sa kinauupuan. Nanay ko po! Bahagya akong napaatras hindi dahil sa takot kundi sa kakaibang kaba na lumulukob sa dibdib ko. Napayuko ako ng ilang metro na lang ang layo niya sa akin. "Look at me," nanindig ang mga balahibo ko dahil sa lamig ng boses nito. Dahilan para mas makagat ko pa ang labi ko. Tang na may juice! Hindi naman ako ganito pag may kaharap na lalake. Pero iba siya! Iba! At nararamdaman ko iyon. Imbis na sundin ang inuotus nito ay nananatili parin akong nakayuko. At nagdadasal sa lahat ng mga santong alam ko na sana may dumating dito para mawala ang tensyon na namamagitan sa amin. O ako lang? Tsk. "I said look at me," waah! Nakakatakot ang boses niya na parang inaakit ako. Bakit inaaki niya ba ako? Ay, anu ba yang pinagsasabi mo Aileen. Maging matapang ka. Dahil yan ang turo ni Tatay sa iyo. "look atㅡ" magsasalita pa sana ito ng mabilis kong inangat ang aking mukha sa kanya imbis na mukha niyang gwapo ang makikita ko ay dilim. Dahil sa nakapikit akong iningat ang aking mukha sa kanya. Bakit, wala naman siyang sinabi na titigan ang mga matang madilim pa sa tinta ng ballpen ah. Naks, ang talino ko talaga. "Tsk." Aniya. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang malalaki nitong mga palad sa magkabila kong pisngi. Parang may dumadaloy na kuryente mula sa aking mukha pababa sa buo kong katawan. Anu yon? Pagmulat ko sa aking mga mata ay nabungaran ko ang napakagandang itim nitong mga mata. Mariin itong nakatitig sa akin. Ang mga mata nitong puno ng emosyong itinatago. Mga matang kaysarap pagmasdan habang-buhay. Nahigit ko ulit ang aking hininga ng mas inilapit pa nito ang kayang mukha sa akin dahilan para maramdaman ko ang pagbuga ng hangin sa akin mukha. Napapikit ako sa sensasyong iyon at napakagat sa aking mga labi. "when I tell you to look at me, look at me, and obey my order." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok sa uri ng pananalita nito. Hindi ko matukoy kung utos iyon o kung ano pa. "or else I will punish you." Ano naman kaya iyon. Parang ayokong malaman kung anu man ang gagawin sa akin. Iniisip ko pa lang ay nagtitindigan na ang balahibo ko sa katawan. "Now," binitawan na nito ang aking mukha na ngayon ay napatitig ako sa likuran niya. "I have a deal with you," Ito na siguro yung tinutukoy ni Tiya sa akin na trabaho. Sisiguraduhin ko talagang pag-iigihan ko ang tungkulin. "Sir, kung iyon po yung trabaho na tinutukoy ng aking Tiya. Sinisiguro ko pong pag-iigihan ko ang aking trabaho." May ngiti sa mga labi kong anito. Nilingon niya akong may pagtataka sa mukha. Nakakunot ang noo nitong nakatitig sa akin. "what do you mean?" Napakalalim talaga ng boses nito. Hirap i-reach. Ako naman ngayon ay nakakunot ang noo. "Diba po naghahanap kayo ng kasambahay?" Ganting tanong ko sa kanya. "What?" Mukhang naiinis na ang tunog ng pananalita nito. Napaayos ako ng tindig. Tinuringang amo ng napakalaking bahay na ito. Hindi alam na may hiring na palang nagaganap. Tsk. Tsk. Napailing ako. "Hindi niyo po alam na may hiring po sa mansyon ninyo?" Tinapik ko ang balikat nito ng marahan dahilan para tignan iyon ni sino nga ito? Ah, basta. "wag po kayong mag-alala, pagsasabihan ko po sila." "You're crazy," anito habang tinatanggal ang kamay ko sa balikat niya. Ako na nga itong nagmamalasakit sa amo ako pa itong baliw. Sino kaya ang baliw sa aming dalawa. Buti na lang at may malasakit ako sa aking kapwa. Wag kang mag-aalala Boss. Tutulungan kitang maintindihan ang lahat ng nangyayare sa paligid mo. Tama. Tama. Tutulungan ko siyang mahanap ang nawawala niyang utak. Saan kaya ako magsisimula? Napanganga siyang tinitigan ako. Na para bang may ginawa ako sa harapan niya na hindi siya makapaniwalang nagawa ko. "You didn't know why are you here, right?" May bahid ng inis sa mukha nito. Aba'tㅡ "Alam ko no. Alam na alam," tinitigan ko siyang may ngiti sa labi. "So, saan tayo magsisimulang hanapin ang utak niyo, Sir?" "What the fvck?!" Sigaw niya. Gulat ko siyang pinatitigan. Nagmura ba siya? Diba masama iyon. May naririnig akong mahihinang hagikhikan sa paligid. Pero wala naman akong nakikitang tao kundi kaming dalawa lang. Imposible namang itong nasa harapan ko ang tumatawa, eh, sa nakabusangot nga ito.  Nilingon ko ulit siya. Mukhang malala na talaga ang pagkawala ng utak niya. "Bakit po? May problema po ba? Gusto niyo hanapin natin ngayon na?" "Fvck!" Sigaw ulit niya. Napasinghap ako. Nagmumura ulit siya! Bumuga siya ng hangin bago siya magsalita. "It seems like, Lolita didn't say anything why are here." Bumalik na sa pagkaseryoso ang pananalita nito. Si tiya? "Alam ko pㅡ" Sa pangalawang pagkakataon, bumuga siya ng malakas na hangin at nakalagay ang sa magkabilang bulsa nito ang mga kamay. "whether you like it or not, you will be going my wife, forever." HABANG KARGA-KARGA ang lahat ng damit ko ay parang gusto ko ng magmura dahil sa inis. Kahit masama ang magmura ay pinagmunura ko na ang lalakeng iyon sa aking isipan. Wala namang makakarinig kundi ako lang. Habang pababa sa engrandeng hagdan ay hindi ko mapigilan ang pagbubulong ng kung ano. Akala niya siguro isa akong kagadkaring babae? Kahit isa akong probinsyana, gagawin na niya sa akin iyon? Hoy! May pinag-aralan ako no! Graduate pa nga ako sa kursong HRM. Anong akala niya sa akin bobo? Hindi maintindihan ang pinagsasabi niya? Ha! Kapal ng mukha niya! At sa pagkakaalam ko graduate ako sa kursong HRM at hindi sa pagiging ASAWA. Magkaiba iyon. Kung mayroon lang talagamg kursong ganoon nunkang kukunin ko yun. Ang pangit tignan na graduate ako sa kursong Bachelor of Science in  Housewife Management? Pweh! Aalis talaga ako rito! Aalis talaga ako! Napahinto ako ng nasa labas na ako ng pinto ng malaking bahay na ito. Waaahh! Wala ba talagang magmamalasakit na pipigil sa pag-alis ko? Huhuhu. O kaya sa pagdadala ng mga gamit ko? Hindi naman ganito ang mga nababasa ko sa libro ha? Pero iba ang mga nasa libro, kathang-isip ang mga iyon. Dahil isa itong reyalidad na kailangang harapin. Napalingon ako sa pinto ng wala man lang ba talagang pipigil sa akin? Napapadyak akong nagmamartsa paalis. Ha! Hindi na talaga ako babalik dito kahit kailan! Manigas siya! Pero si tiya? Ugh! Bahala na. Kahit na ang mga tao dito sa labas ng mansyon na nagpapatrolya ay hindi man lang ako nagawang alokin na dalhin ang mabibigat kong dala? Bakit ang sama nila? Huhubells. Nang makalabas na ako sa malaking gate nito ay wala talagang pumigil sa akin. Nakatulala lamang ako sa unti-unting papasarang tarangkahang ito. Parang gusto ko tuloy pumasok ulit. Pero, galit ka Aileen. Galit ka. Napabuga ako ng hangin at nagsimulang tangayin ang mga paa ko sa kung saan. Ang bigat pa naman ng dala-dala kong gamit. Tsk. Kasalanan mo rin iyan. Kung pumayag ka na lang sana ay wala ka ngayon dito sa...lingon sa paligid. Waaah! Asan na ako? Nanay! Tatay! Where na u? Hir na mi! Napalabi ako. Saang lugar na ba ito? Bakit puro mga malalaking puno ang nandito? Saang bahagi na ba ako ng Pilipinas?! Mga ilang oras din ako nagpalakad-lakad at nakikinita ko na ang highway at mga sasakyang mabibilis na napaparito't-paroon. Lumawak ang ngiti ko sa mga labi. Haay, salamat nakita ko na rin ang highway. Napakamot ako sa ulo ko. Tapos, saan na ako nito? "Ano na ang gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili. "Aha!" Agad kong binaba ang mga naglalakihang maleta ko at binuksan ang isa nito. Sa pagkakaalam ko may natitira pa akong pera rito. Kinalkal ko ang kasuloksulukan ng maleta makita ko lang luma kong pitaka. Sa pagkakaalam ko ay may natitira pa akong pera dito. Nang makita ko ito ay para akong nakakita ng isang milyon dahil sa tuwa. Hinalikan ko pa ito sa tuwa. Hulog ng langit! Binuksan ko ito na may ngiti sa mga labi ngunit unti-unti itong nawala. Para akong nahulugan ng napakalaking semento sa ulo ng makita ang laman nito. "Bente? Bente pesos?!" Saan ko magagamit ang perang ito?! Sana pala tinanggap ko na lang ang alok ng lalaking may topak sa utak. Argh! Kung minamalas ka nga naman oh! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD