CHAPTER 52

2065 Words

PAULIT-ULIT na lamang ako sa aking ginagawa. Paparito't paroon habang kagat-kagat ang hinlalaki. Tumigil na naman ako sa ginagawa at tinapat ang malaking pintuan. Nag-iisip kung ano ang gagawin. Malakas akong napabuga ng hangin. Imposible ang gagawin kong pagtakas. Lahat ng sulok ng lugar na ito ay may tauhang nagbabantay. Hindi na nga ako magtataka kung ilalalim ng aparador may nakabantay roon hindi lang ako makatakas. Ilang araw na ba? Dalawa? Tatlo? Hindi ko alam. Basta, ang alam ko lang ay nandito na ako paggising ko isang araw. Hindi alam kung saang sulok na ako ng mundo inilagay ng baliw na Vianno na iyon. Unang araw pa lang ay tinangka ko ng makatakas ngunit hindi ko magawa dahil sa mga alipores niya, isama pa ang mga pinagkakatiwalaang tao nito. "Aarrghh!" Shet naman oh!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD