PAGMULAT pa lang ng aking mga mata ay ang pamilyar na paligid agad ang aking nakikita. Ang puting kurtina na natatakpan ang nakasaradong bintana, pintuang alam ko na may mga tauhan ni Vianno ang mahigpit na nakabantay. Kahit na nanghihina ay pilit kong bumangon. Napaungol pa ako ng bahagya ng maramdaman ang p*******t ng aking katawan. Naniningkit ang mga matang pilit na inaalala ang nangyari kanina o kahapon. Hindi ko alam kong ilang oras na ba akong nakatulog na parang si sliping byuti. Mariing inaalala kong anu ba ang nangyari. Pinupokpok ko pa ang aking ulo maalala lamang ang lahat. Napaungol lamang ako dahil parang tumitibok ang ulo sa aking ginagawa. Ang naalala ko lamang ay dinala ako ni Vianno sa isang silid na puros puti at madaming mga taong nakalab-coat ang naroon. May kung

