Tirik na tirik na ang sikat ng araw ngunit payapa at malamig pa rin ang simoy nang hangin sa buong paligid. Bumaba ang isang dalaga lulan nang kulay Itim na sasakyan. Bitbit ang isang bungkos ng Bulaklak na Lilies.
Nang makarating ito sa lugar ay agad itong nag-latag ng isang maliit na blanket sa paanan nong puntod at doon naupo.
Inilapag na rin nito iyong bulaklak na kanina niya pang dala buhat nong siya'y makarating doon sa Sementeryo. Matapos non ay nag-sindi ito ng Kandila at nag-alay ng isang maikling dasal.
Matapos nitong taimtim na mag-dasal ay marahan nitong hinaplos ang nitso na nasa kanyang harapan.
"Kumusta ka na? Pasensya ka na kung ngayon na lang ako muling nakabisita sa'yo dito ha? Naging busy kasi ako nitong mga nag-daang araw." Bulong nito saka ito ngumiti.
Napabuntong hininga pa ito bago pa siya muling mag-salita.
"Meron sana akong gustong I-request sa'yo.." Pinutol ng dalaga ang kanyang sasabihin saka ito muling ngumiti.
"Baka puwedeng dalawin mo ako sa panaginip ko? Baka doon sakaling maibsan ang lungkot at pangungulila na nararamdaman ko." Suminghot ang dalaga saka nito mabilis na pinunasan ang luha na nasa kanya nang pisngi.
Ni hindi na nito namalayan ang pag-tulo ng kanyang mga luha.
"Miss na miss na kita, alam mo ba yon? Walang araw na hindi kita naiisip. Kaya sa tuwing nalulungkot ako.. Pinipili ko ang mag-punta rito para ikuwento sa'yo lahat ng nangyayari sa bawat araw ko. Kapag kasi ginagawa ko iyon, pakiramdam ko nandiyan ka lang. Handang makinig sa akin na walang halong pang-huhusga."
"Saka huwag mo akong masyadong alalahanin diyan ha? Magiging ayos rin ang lahat rito." Bulong pa nito. Huminga siya ng malalim habang pinapaypayan pa ang sarili gamit ang dalawa nitong kamay dahil sa patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Pasensya ka na kung umiiyak nanaman ako. Kung nag-mumukha akong mahina sa harapan mo." Ipinikit pa ng dalaga ang kanyang mga mata saka nito inayos ang sarili.
"Ito nga pala tignan mo o? Dinalhan kita ng White lilies. Para sa'yo ang mga ito. Saka naaalala mo ba? Ito rin yung bulaklak na madalas mong ibigay sa akin." Inayos pa nito ang mga bulaklak na naroon sa tabi niya na para bang pinapakita pa ang mga 'to sa taong kausap niya.
Pansamantala namang kumulimlim at nag-tago ang Haring araw.
Tumingala pa ang dalaga sa mga ulap habang pilit pa rin nitong pinipigil ang sarili sa kanina pang pag-bagsak ng kanyang mga luha.
Dalawang beses sa isang linggo kung mag-punta sa lugar na iyon si Ramona para dumalaw sa kanyang mga mahal sa buhay.
May kapatid ring lalaki itong si Ramona na higit na mas matanda kesa sa kanya ngunit bata pa lamang silang dalawa nang mamatay ito at bawian ng buhay. Malapit siya rito noon pa man kaya nong nawala ito ay grabe ang lungkot at naging iyak niya. Halos itago pa ng mga magulang nito sa kanya ang naging dahilan ng pag-kawala ng kapatid dahil alam nang mga ito na maaaring hindi niya kayanin. Lalo na kapag malaman niya kung ano ang nangyari dito.
Matagal na panahon rin ang lumipas bago tuluyang matanggap ng dalaga ang nangyaring iyon sa kanyang kapatid. Kaya naman sa tuwing magagawi ito sa Sementeryo ay kanya rin itong pinupuntahan para dalawin at ipag-dasal.
May ilang taon na rin ang nakararaan simula nang mawala ang isa sa mga taong importante sa buhay nitong si Ramona ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang gunita ang mga alaala nang mga 'to.
Ilang saglit pang nanatili doon sa lugar itong dalaga bago ito tuluyang mag-desisyong umuwi.
"Lorelei.."
"A.Z ko gumising ka na diyan!" Napapakisap na lamang ang dalawang mata nitong si Ramona dahil sa boses na kanyang naririnig.
Nakatulog na kasi ito dala ng kanyang pagod galing sa kanyang trabaho at ilang mga bagay na kanyang inaasikaso.
Ilang beses pa nitong narinig ang boses nang isang lalaki na pilit tumatawag sa kanya upang siya ay magising.
"Lorelei, Mahal.. Gising na oy!" Halos yugyugin na siya ng binata para lang magising na siya at agad na bumangon mula sa pagkakatulog nito.
"Hmm... Natutulog pa ako yung tao. Mamaya na!" Reklamo pa nito. At hinila pa niya pataas ang kumot papunta sa kanyang mukha.
Ilang segundo pa itong napikit habang nakatalukbong ng kanyang kumot. Hanggang siya na mismo sa sarili niya ang nag-decide na bumangon na.
Tumayo na ito at agad na naupo roon sa kanyang Kama. Saka bumuluga sa kanya ang nakangiti pang mukha ng isang binata na kasalukuyan ring nakaupo sa paanan ng kanyang Bed.
Nag-patingin tingin pa ito sa buong paligid ng kanyang kuwarto at halos kusitin na nito ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Naroon kasi sa loob ng kanyang silid ang Nobyo.
"Ian?" Medyo gulat pa nitong pagkakasabi sa lalaking ngayo'y nasa kanyang nang harapan.
"Anong ginagawa mo rito?" Nangingiti na lamang na tanong ng dalaga.
Pero imbis na sumagot ito sa kanya pabalik ay ngumiti na lamang ito at wala ng iba pang lumabas na salita galing sa bibig nito.