15 So ginabi na ako ng uwi ngayon. Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni ninong kasi busy din siya e. Nag t-text naman siya minsan pero madalang ko lang din ma reply-an. Finals na din kasi namin so need ko mag focus sa pag r-review. Alam niya din naman yon kaya hindi niya ako masyadong ginugulo. Nakauwi na si papa, pero naiwan pa si mama don sa probinsya para magbantay kay lolo. Pero isang linggo lang din naman daw at uuwi na din si mama. Wala lang available sa mga kapatid niya para mag alaga kay lolo kay for the mean time ay siya muna habang hindi pa dumadating yung caregiver na hinire nina tita. "Pa, kumain na po ba kayo?" nagmano ako kay papa pagpasok ko ng bahay. Nilapag ko lang muna ang mga gamit ko sa sofa. Pasado alas syete na din kasi ng gabi at kakauwi ko lang so gutom na ako

