32 "Tatlong taon na ang nakalipas ah? Bakit hindi pa rin napapabalita kung ikinasal na ba yung Hades na 'yon? E sa sobrang yaman ng pamilya nila imposibleng hindi nila gugustuhin ng engrandeng kasal at ipaalam sa buong mundo." tama si mama, tatlong taon na ang mabilis na lumipas nang hindi ko namamalayan. Dahil habang dumadaan ang mga araw, buwan, at taon, hindi ko nararamdaman na nabubuhay ako sa paraang gusto ko. Instead, parang sumasabay na lang ako sa agos ng buhay, kung saan man ako dalhin nito. At sa nakalipas na mga taon, subukan at pilitin ko mang kalimutan siya, hinding hindi ko magawa. At kaakibat ng pag-alaala sa kaniya ay ang hindi rin paghilom ng sakit ng sugat na iniwan niya. Pakiramdam ko kahit anong gawin ko hindi na 'yon mawawala. Hindi na magsasara ang sugat. At habang b

