Chapter 5

1286 Words
Haliya's POV Naging masalimuot ang mga sumusunod na araw para sakin, super awkward para sakin dito sa office. Kahit pag inom ng tubig di ko magawa, feeling ko kase pinapanuod nila galaw ko. Wala na nga akong pakialam kung ano man iniisip nila sakin e. Sa gabi mag ooverthink pa ako na baka pag wala na ako dun sa office pinag-uusapan o pinagtatawanan nila ako. Every morning nga ata sinasabi ko kila Ella na hindi ko na kaya, sa awa ni Lord pangalawang Linggo ko na. "Liya, may papakisuyo ako sa inyo ni Steve" Nakangiting sabi ni HR sakin, kita ko namang napatigil sila Ate Chen at Ate Ann. Hindi sa pag assume pero feeling ko kase low-key shipper itong dalwang ito e. "Go Liya, para maging pamilyar kayo sa mga department dito" Sabi sakin ni Ate Chen, s'ya mas kwela sa kanilang dalwa. Tahimik nga buong department pag wala s'ya, mas awkward din para sakin ang paligid pag wala s'ya. Mabait naman si ate Ann pero medyo nonchalant kase s'ya, si Ate Chen talaga mostly ang kausap ko at ang humihingi ng tulong sakin. "Ano po yun, Ma'am?" Tanong ni Steve kay HR ng nakatayo na kami pareho sa table nito. "May 13 departments pa tayong need bigyan nitong notice para sa fun run, ok lang ba kung kayo magbigay? ito listahan ng mga bibigyan" Nakangiting sabi nito tsaka binigay kay Steve ang mga papel, ako naman ang tumanggap nung maliit na sticky note kung saan nakalista ang mga department. Another awkward moment kase pag labas namin ng pintuan hindi parin kami nag-uusap. "hmm... Bago ka lang pala rito?" Pag-open ko ng topic dito, wag n'ya sabihin dedmahin n'ya ako. Oo at gwapo s'ya pero napaka-awkward pag hindi kami nag-uusap pero sabay kaming bumababa sa hagdan na ito. "Oo, 1st day ko lang din nung pagdating mo" Nakangiting sagot nito na humarap pa sakin, hindi agad ako makaiwas ng tingin kase parang nag aantay s'ya ng sunod kong sasabihin. Paano ba ito? Wala na akong maisip, gusto ko lang alisin awkwardness sa pagitan namin pero lalo ata lumala. "ahh... hehe" Ano yun Haliya? yun na yun?! wala talaga akong maisip na sasabihin pa e. Nauna na ako maglakad palayo, ano ba dapat sabihin pa? tatanungin ko ba kung ilang taon na? Bakit?! "Haliya-" "oy, ito na pala yung isa. tama ba?" Pinutol ko na ang kung ano mang sasabihin pa nito dahil baka kung ano itanong tapos wala akong masagot. Napatingin naman s'ya sa taas ng pintuan ng nasa tapat namin dahil dun nakasulat ang name ng department. "ito yan diba?" Lumapit pa ako sa kanya ng kunti para ipakita yung nakasulat sa note ni Ma'am, Yung sa note kase initials lang ng departments pero sa pinto yung buong name ng department. "Oo yan na nga, pa-recieve na natin ito" Sabi nito at pinangunahan na ang pag bukas ng pinto, mabuti naman kase yung mga pinto rito ang hirap itulak. Tatlo lang silang taong naabutan namin sa loob tapos kakilala ni Steve, ako andito sa tabi inaantay matapos pagrecieve nung notice at kamustahan nila. Tapos bigla silang tumahimik at tumingin sakin... ano? may nagawa ba ako? "ahm... Hello po" Awkward na sabi ko sa mga ito, bumati naman sila pabalik tsaka nag paalam na. Di naman nakakapagtaka na kilala itong si Steve, mukhang yayamanin din sat gwapo nga. "Maghati nalang kaya tayo para mabilis natin mahatid sa mga office?" Suggestion ko rito matapos namin makalabas, parang mas gugustuhin ko pa kase mag-isa kaysa libutin ang buong LGU na may awkwardness. "Hayaan mo, sabi nga sakin ni Ate Chen pag inutusan daw ako ok lang na magtagal ng kunti. Para maging pamilyar dito sa lugar, you should do the same. Para maging comfortable ka rin dito sa workplace, I can sense kase na di ka komportable" Nakangiting sabi nito, ganda ng ngipin ni best ha. Dami n'ya agad nasabi nag suggest lang, may pagka-conyo pa. Cute pala sa lalaki ng conyo, mukhang sosyal pala talaga ng person na ito. "Sabagay may point ka, sige tara na" Sagot ko nalang dito, di ko nga alam kung ngiti or ngising aso yung itsura ko. Mas lumawak naman ang ngiti nito atsaka inangat ang kamay at bahagyang ginulo ang buhok ko . Feeling close naman nito bigla pero ok na rin siguro, atleast may nakakausap ako na ganito. Minsan kase parang napapanis talaga laway ko sa office, pero itong si Steve talaga napagtatanungan ko minsan. Casual conversation ba, paano naman kase sanay ata mga tao rito na bigay nalang ng bigay ng papel. Minsan may papasok sa office namin tapos bigla mag-aabot ng papel. Walang pakialam yung iba kaya parang nakakahiyang abalahin, busy sa kanya-kanyang gawa. Sa loob ng dalawang linggo ito rin talagang si Steve napagtatanungan ko. Wait nga, bakit parang puring-puri naman sakin ang lalaking ito. Paano ba naman kase ngayon lang talaga kami ng usap ng ganyan, sa loob kase ng office about sa mga papel lang talaga tapos mabilis lang. Kunyari tatanong ko kung ano next gagawin, kanino ko papapermahan, at saan dadalhin. Dumadaan kase dun mga papel, minsan kinakabahan pa ako pag parang importante pa nung papel na napupunta sakin. HR yun mga te, mga records and everything yun e. Pag nagkamali ako din mapapahiya at school namin. Ayun back to reality, minsan minsang nag-uusap kami sa daan pero natapos naman namin ng mapayapa. Pagbalik namin sa office sumalubong agad sakin ang mapanuksong tingin ni ate Chen, si ate Ann busy sa laptop n'ya pero yung ngiti n'ya may something din e. Awkward na tahimik akong umupo sa pagitan nilang dalwa, baka buong araw isang daang beses ko banggitin ang salitang awkward. Saglit na tumahimik dito samin lalo ng tinawag ni HR si Ate Chen, andun din yung medyo may edad na parang strict teacher. Palagi ko kase nakakalimutan ang pangalan n'ya, hindi ko naman kase s'ya nakakausap. Pag may iuutos s'ya si Steve tinatawag n'ya, baka nga matandang dalaga yan tapos may gusto kay Steve kaya yun favorite e. Hindi ko naman sa pinapanuod silang tatlo, nakikita ko lang ang reflection nila sa PC ni Ate Chen na nakapatay ngayon, sabi ko nga sa inyo dito kami sa front at sila ay andun sa likod namin. Mukhang may discussion na nagaganap, si ate naman patango tango lang. Mostly ang nagsasalita is si Ma'am Strict at si HR, parang may pinapaliwanag si Ma'am Strict dun sa dalwa. Ganito pala ka-boring buhay ko rito, dahil walang wala ako makausap pati bawat galaw nila pinapanuod ko. Nag games nalang ako sa cellphone ko kase pwede naman, si HR mismo nagsabi sakin na pag naiinip ako ok lang mag cellphone. Nahihiya pa nga ako nung una kase s'ya pa humingi ng pasensya at wala raw sila masyado maipagawa samin. Naiintindihan ko naman yun kase syempre hindi nila basta basta pwede pagkatiwala ang info ng mga empleyado ng LGU, pati kase records ng salary sila may hawak dito. "Liya, kausapin ka raw ni Ma'am" Biglang sabi ni ate Chen matapos ang usapan nila, agad naman akong kinabahan sa sinabi nito. Anong mali kong ginawa? Tiningnan ko naman ang ekspresyon ni ate parang wala naman problema. "A-ano po yun, ma'am?" Nakangiti ako pero medyo nanginginig yung boses ko, naupo na nga lang ako sa harap ng table ni ma'am kahit di pa ako pinapaupo. Nakakakaba pala talaga kapag HR ang nagpatawag sa'yo. Medyo nawala naman agad yung kaba ko ng ngumiti sakin si Ma'am. "Something came up kase at kinailangang manatili ni Gov. dito sa atin" Nakangiting umpisa nito, ok medyo parang chill lang naman. Pero si Gov? Anong kinalaman ko kay Gov? Pinapatanggal ba ako ni Gov? Alam ni Gov na OJT ako dito? Sorry na nga Gov!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD