Habang pilit na inaabala ni Gabriela ang kanyang sarili sa pag-aaksikaso ng mga trabahong nakaatang sa kanya ng araw na 'yon ay hindi naman mawala-wala sa kanyang isipan ang kanyang boss na alam niyang nag-iisa ngayon sa hospital at walang nag-aasikaso kung sakali mang may kailangan ito.
"Kumusta na si Mr. Rosco?" tanong sa kanya ni Cindy nang nagkaroon sila ng break kaya nagkausap silang dalawa.
"Okay na siya pero kailangan pa rin niyang manatili du'n para sa agarang paggaling," sabi naman niya.
"Sinong kasama niya du'n?"
"Wala," maikli niyang sagot.
"W-wala?" hindi makapaniwalang tanong ng kanyang kaibigan. "Eh, nasaan ba ang asawa niya? Alam na ba ni Mrs. Rosco na nagkasakit ang kanyang asawa at nasa hospital ngayon?" muli nitong tanong.
Nagmumukha ng isang imbestigador si Cindy dahil sa mga tanong nito.
"Nasa business trip daw."
"Business trip?"
Napatingin siya sa kanyang kaibigan nang marinig niyang parang nagdududa ito.
"Bakit?" kunot-noong tanong niya rito.
"Wala naman akong alam na may business trip ang kompanyang 'to."
Napaisip siya sa sinabi ng kanyang kaibigana at bilang secretary ng kanyang boss, dapat may alam din siya sa bawat aktibidad na ginagawa at gagawin pa ng kompanya pero kagaya ni Cindy, wala rin siyang alam na may business trip ang kompanya.
Kathryn Rosco, 36 years old. A woman in her 30's but still so sexy and beautiful that's why it's not questionable if there are men who want to be with her. Her long, black hair and how she walks make her more attractive. She takes care of herself. Has 5'5 feet tall.
Hindi na nakapagtataka kung bakit nahulog si Clement dito. Bukod kasi sa maganda na ito ay nasa kilos talaga nito ang uri ng babaeng pinapangarap ni Clement. Isinilang itong mayaman at kaliwa't-kanan ang nag-aalaga rito. Lahat ng luho nito ay ibinibigay ng sarili nitong mga magulang. Walang ibang inasikaso kundi ang alagaan ang sariling katawan kaya hindi na nakapagtataka kung bakit nakakahalina ang taglay nitong ganda.
Nahulog naman sa isang malalim na pag-iisip si Gabriela kung ano nga ba ang kinabi-busy-han ng asawa ng kanyang boss. At bakit ganu'n na lamang ang lungkot sa mukha ni Clement? May nangyayari ba sa loob ng pamilya nito na lingid sa kanilang kaalaman?
"Hindi mo ba napapansin na may kakaiba sa kanilang mag-asawa?"
Makahulugang napatingin siya kay Cindy, ngayon lang niya napansin ang ganu'ng bagay kung hindi pa ibinahagi ng kaibigan ang napansin nito.
"How is Mr. Rosco?" tanong ni Diego sa kanya, ang kanyang fiance nang nagkasalubong sila sa hallway ng kompanya. Pasimple siya nitong hinila papunta sa tagong bahagi ng kompanya para kahit papaano ay walang maghihinala sa kanilang dalawa.
Diego Fuentes, 30 years old. A man who is willing to do everything just to get promoted. A man of ambitions. He has good body posture. About 6'6 feet tall. He is one of the employees of Regal company, isang director na kahit baguhan pa sa kompanya ay agad-agad na-promote dahil devoted ito sa trabaho nito at nababagay naman dito ang mabigyan ng mataas na posisyon sa kompanya.
'Yon nga lang ay hindi mawala-wala sa isipan ng ibang katrabaho nila na may kapit ito sa loob dahil sa mabilis nitong pag-angat kahit na baguhan pa lamang ito.
"Okay na siya. Gising na nga siya nang iwan ko siya," sagot naman niya.
"Mabuti naman kung ganu'n. Marami talaga ang nag-aalala sa kanya matapos malaman ang nangyari."
Napatitig siya sa kanyang nobyo at wala siyang nakikitang pag-aalala para sa kanya kahit na alam naman nitong kasama siya ni Clement sa loob ng elevator nang ma-stock silang dalawa.
"Oh, siya. Balik na 'ko sa office ko," paalam nito kaagad sa kanya matapos nitong marinig ang nais nitong marinig mula sa kanya.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung okay lang ba ako?" may pagtatampong tanong niya kay Diego.
Napangiti namang napatingin sa kanya ang kanyang fiance saka siya nito hinila sa kanyang kamay.
"Halika nga rito," malambing nitong sabi saka siya nito niyakap nang mahigpit, "Nagtatampo ka naman kaagad, eh," nakangiti nitong saad saka ito kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya at ikinulong ng dalawa nitong palad ang magkabila niyang pisngi.
"Alam ko namang hindi ka pababayaan ng Panginoon dahil pakakasalan pa kita," pahayag nito saka siya nito kinintilan ng halik sa kanyang noo na siyang lihim na nagpakilig sa kanya.
Nakangiting muli siyang napayakap sa kanyang nobyo at ganu'n din ito sa kanya. Sapat na ang maramdaman niya ang maiinit nitong yakap sa kanya kahit na hindi segu-segundo silang magkakasama.
Maging tapat lang sa kanya si Diego ay masasabi niya sa buong mundo na isa siya sa mga pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa sa pagkakaroon niya ng lalaking tapat sa kanyang buhay.
Habang nakasakay siya sa taxi pauwi ay napatingin siya sa isang bilihan na kanilang nadaanan at iisang tao lamang ang agad na lumitaw sa kanyang isipan, walang iba kundi ang kanyang boss. Si Clement!
"Manong, pwede po ba tayong huminto muna kahit saglit? May bibilhin lang ako," sabi niya na agad naman siyang pinagbigyan ng taxi driver.
Habang naghihintay ang taxi sa kanya ay bumili siya ng karne ng baka para gawin niyang nilaga pati na ang pangsahog nito at maya-maya lang ay matapos din siya.
Pagdating niya ng bahay ay agad niyang inasikaso ang pagluluto ng nilagang baka para naman madala na niya iyon kaagad sa kanyang boss. Nandiyan naman ang kanyang ina todo rescue sa kanya. Tinulungan siya nito at tinuran nang tamang pagtimpla at nang matapos ay pakiramdam niya, nanalo siya ng isang milyon sa lotto nang makuha niya ang saktong timpla.
Kumuha kaagad siya ng sisidlan saka niya iyon nilagyan ng mainit-init pang nilagang baka at excited na nagbihis upang madala na niya iyon sa kanyang boss pero habang inaayos niya ang kanyang sarili sa harapan ng full-length mirror ay bigla siyang natigilan nang mapansin niya ang kaylaking ngiti sa kanyang mga labi.
Dahan-dahan na nawala ang ngiting 'yon at napalitan ng pagkakunot ng kanyang noo. Nagtataka siya kung bakit ganu'n na lamang ang excitement na kanyang naramdaman na dalhan ng mainit na sabaw ang kanyang boss gayong hindi naman niya naramdaman ang excitement na bumabalot ngayon sa kanyang pagkatao kapag si Diego ang kanyang nilulutuan.
"Haist! Kung ano-ano na lang ang iniisip mo, Gabby," litanya niya habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili sa kaharap na salamin.
Kaya nga siguro hindi niya nararamdaman ang excitement na 'yon kapag ang fiance niya ang kanyang nilulutuan dahil nasanay na siya, dahil madalas niyang ginagawa ang bagay na 'yon kaya kumbaga nawala na ang ganu'ng damdamin para sa kanya.
"Alis na po ako, Ma," paalam niya sa ina habang ang kanyang ama naman ay hindi pa umuuwi.
"Mag-ingat ka," bilin ng ginang.
Agad siyang naghanap ng taxi at nanh nakahanap na siya ay agad din naman niyang sinabi kung saan ang punta niya. May ngiti sa mga labing hawak-hawak niya ang nilagyan niya ng kanyang nilaga.
Sa kanyang pagpasok sa kwarto ng kanyang boss ay nakita niyang natutulog ito at hindi pansin ang kanyang pagdating. Dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang kanyang dala saka niya nilapitan sa hinihigaan nito ang kanyang boss na wala pa ring kamalay-malay sa kanyang pagdating.
Nang nasa gilid na siya ng hinihigaan nito ay dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang palad saka walang pag-aalinlangang inilapat niya ang likuran ng kanyang palad sa noo nito upang alamin kung mainit pa ba ang katawan nito o hindi na.
Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan nang normal na init na ang kanyang nadarama.
"What are you doing?"Mabilis siyang napatayo nang maayos sabay tanggal sa kanyang palad na nakalapat pa sa noo ng kanyang boss nang bigla itong nagmulat ng mga mata nang maramdaman nito ang ginawa niyang pagkapa rito.
"G-gigisingin ko po sana kayo d-dahil may dala po akong mainit na sabaw," nahihiya niyang saad.
"Nag-aksaya ka pa," sabi nito saka nito sinubukang bumangon. Agad namang kinuha ni Gabriela ang dala niyang nilagang baka saka niya ito ipinatong sa isang over-bed table saka niya ito inilagay sa harap ng kanyang boss.
May excitement na binuksan niya ang dala niyang nilagang baka na agad namang naamoy ni Clement ang aroma nitong taglay.
"Mainit pa po 'to. Kakaluto ko pa po nito," nakangiti niyang saad habang inaayos niya ang pagkain sa ibabaw ng over-bed table.
Napatingin si Clement sa dalaga habang inaasikaso nito ang dala nitong pagkain para sa kanya. Nasa gilid ng mga labi nito ang matamis na ngiti na madalas naman niyang nakikita pero this time, nagbigay iyon ng kakaibang damdamin sa kanyang buong pagkatao dahil alam niya na ang ngiting 'yon ay hindi para sa mga kasama nito sa trabaho kundi para sa kanya lamang.
"Tikman niyo po, Mr. Rosco," nakangiti pa rin nitong saad at agad naman siyang nagbawi ng tingin ng napabaling ito sa kanya ng tingin.
Hinawakan niya ang kutsarang nakalagay sa sabaw na inihanda nito sa kanya.
Dahan-dahan niyang inilapit sa kanyang bibig ang hawak niyang kutsara na may lamang sabaw ng nilaga nito saka niya ito hinigop.
"Masarap po ba?" tanong ng dalaga sa kanya at tango lamang ang naging sagot niya.
"Nagustuhan niyo po ba, Mr. Rosco?" muli nitong tanong sa kanya at kagaya ng noong una ay tango lamang ang naging tugon niya habang nakailang beses na siyang humihigop ng sabaw.
Habang abala si Clement sa pagkain ay pasimple namang napaupo ang dalaga sa isang sofa na nandu'n at nakaharap sa kanyang boss saka niya ito pinagmamasdan habang patuloy ito sa pagkain.
Giliw na giliw siya habang pinagmamasdan niya ang kanyang boss at talagang masasabi niyang sulit ang pagod niya kanina nang lutuin niya ang nilaga kanina. Ang buong akala niya ay hindi ito magugustuhan ni Clement pero heto, halos ayaw nang tigilan ang kakain sa niluto niya.
He put the bowl on the over-bed table after he sipped the last drops of the soup and he burped after he finished eating the food that his secretary brought for him.
"Thank you for the food and-----"
Hindi na niya naituloy pa ang iba pa sana niyang sasabihin nang sa kanyang pagtingin sa dalaga ay siya namang paglumungayngay ng ulo nito senyales na tulog na ito habang nakaupo at nakasandal sa sofa.
Dahan-dahan siyang bumaba sa kanyang higaam saka niya nilapitan ang dalaga. Mabilis ang naging kilos niya sa pagsalo sa ulo ni Gabriela nang bigla nang dahan-dahan na bumagsak ang katawan nito pahiga sa sofa.