Chapter 1

1744 Words
Matapos ayusin ni Gabriela ang kanyang sarili sa harapan ng kanyang salamin sa loob ng kanyang kwarto ay agad din siyang lumabas sabay hablot sa kanyang bag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang table.   "Hindi ka na ba kakain ng almusal?" tanong sa kanya ng kanyang inang si Aling Tonya.   "Hindi na po, Ma," sabi naman niya saka niya hinagilap ang peep-toe wedge nakasanayan niyang gamitin. Hindi kasi siya sanay sa mga matataas at pointed na sandals kaya ito na lamang ang kanyang ginagamit dahil kahit papaano naman ay disente pa rin siyang tingnan bilang isang secretary sa kompanyang tinatrabahuan.   "Inumin mo muna ang gatas para naman papasok kang may laman ang tiyan," singit ng kanyang amang si Mang Dominador.   Ayaw naman niyang magalit ang ama kaya sinunod na rin niya ito.   "Hindi ka na susunduin ni Diego?" tanong ng kanyang ina habang tinatapos niya ang paglagok niya sa gatas na nasa basong hawak niya.   "Ma, alam niyo namang bawal sa trabaho namin ang magkarelasyon."   "Eh, ano naman ang connection nu'n sa pagsundo niya sa'yo?" singit ng kanyang ama.   "Eh, umiiwas lang kami, Pa dahil baka makita kami na magkasama, magkakaroon pa kami ng issue."   "Ginagawa naman niya 'yan dati, ah! Eh, hindi naman kayo nagka-issue," sabad ng ginang habang hinuhugasan niya ang ginamit niyang baso.   "Wala akong tiwala sa nobyo mong 'yan," pagtatapat ng kanyang ama. Inilagay muna niya ang baso sa lalagyan nila saka niya hinarap ang kanyang mga magulang.   "Alam kong concern kayo sa akin pero huwag po kayong mag-aalala, okay lang talaga kami. Kailangan lang talaga naming gawin 'to para naman hindi kami matanggal sa trabaho at isa pa, kaka-promote pa lamang ni Diego, ayaw ko naman na magkakaroon siya nang issue nang dahil sa relasyon namin," pahayag niya pero alam niyang hindi niya kumbinsido ang mga ito lalo na ang kanyang ama.   "Ayaw lang naming magkakaroon kami ng anak na patalikod na palang ginawang tanga ng lalaking pakakasalan niya."   "Ano ka ba?" tanong ni Aling Tonya sabay pasimpleng siniko ang asawa.   "Huwag mo nang pansinin ang Papa mo. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal kaya ganu'n na lamang ang pag-aalala niya sa'yo, nak," baling ng ginang sa anak na alam niyang naapektuhan sa sinabi ng kanyang asawa.   "Sige na, umalis ka na baka ma-late ka pa sa trabaho mo," pagtataboy ng ginang sa anak at sapilitan naman itong napangiti sa kanila.   "Alis na po ako," paalam nito saka ito nagmano sa kanila.   "Mag-ingat ka," bilin ng ginang at agad namang umalis ang dalaga.   "Dahan-dahanin mo naman ang tabas ng dila mo dahil masasaktan ang anak mo sa mga pinagsasabi mo," saway ni Aling Tonya sa asawa nang silang dalawa na lamang.   "Gusto ko lang na maging alerto ang anak mo dahil lalaki rin ako. Alam ko, nararamdaman ko kung may kakaiba nang mangyayari sa nobyo niya. Du'n na ako galing."   Natahimik na lamang si Aling Tonya sa naging pahayag ng kanyang asawa at bilang babae ay alam din niya kung ano ang pakiramdam ng isang babaeng umiibig o nasasaktan. Pero, hangga't masaya ang kanyang anak, hindi niya ito pipigilan sa gusto nito.   Gabriella Magallanes, known as Gabby. A 28-year-old secretary of Clement, the CEO of the Regal company. A simple woman who has a slim body figure and a perfect smile on her face. She has thin and smooth lips. About 5'2 feet tall and a lovable daughter to her parents.   Hindi man perpekto ang pamilyang mayroon siya ay masaya naman siya dahil hanggang sa mga sandaling 'yon ay nanatili itong matatag. Hindi kagaya ng iba na wala pang lima o sampong taon ay naghihiwalay na.   Magkakasagutan din naman kung minsan ang kanyang mga magulang pero agad din namang nagkakaayos at mas tumitibay ang pagsasama ng mga ito. Pinalaki siya at pinag-aral ng mga ito sa mabuting paraan.   May maliit na karinderya ang kanyang mga magulang na siyang nagtawid sa kumakalam nilang sikmura noon pati na ang panggastos niya sa kanyang pag-aaral at sa awa ng Diyos ay nakapagtapos din siya at nagtatrabaho na siya bilang isang secretary sa isang kompanya na kilala sa buong bansa.   May fiance na siya. Si Diego Fuentes at mag-10 years na silang magkarelasyon at almost 3 years na silang engaged.   Binalak nilang magpakasal last 2019 pero hindi nangyari dahil nagkaroon ng problema sa pamilya ni Diego, naospitala ng ina nitong si Lourdes kaya ang naipon nilang pera na para sana sa kanilang kasal ay naibigay nila bilang tulong sa panggastos sa hospital ng ina nito.   Last year, hindi rin natuloy dahil sa promotion nito na talagang pinaghandaan nito. Ayaw nilang mahati ang atensyon at oras ni Diego kaya this year na lamang nila binabalak na ituloy ang kasal nilang ilang ulit nang napo-postponed at sa awa ng Diyos, going strong pa rin ang kanilang relasyon.   Alam ng lahat ng nasa kompanya na engaged na siya pero walang nakakaalam sa mga ito kung sino ang lalaking pakakasalan niya dahil mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng kompanya ang magkarelasyon.   Kung magkataon na malaman ng kompanya na ang tungkol sa kanilang relasyon, malamang kinakailangan isa sa kanila ang aalis ng kompanya at isa ang maiiwan. Ganu'n ang patakaran kaya wala silang nagawa ni Diego kundi ang itago lamang sa lahat ang tungkol sa kanilang dalawa dahil pareho nilang kailangan ang trabaho.   Saka na nila sasabihin sa mga ito ang tungkol sa kanilang dalawa kapag kasal na sila at dahil isang director na si Diego sa kompanya ay siya ang aalis sa kanilang dalawa kapag mag-asawa na sila.   Nang nakababa na siya sa kanyang sinakyang taxi sa tapat ng Regal company ay napatingala muna siya habang nakatingin siya rito.   "Sigurado akong last year ko na 'to rito," pabulong niyang sabi sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa pangalan ng kompanya pagkatapos ay agad na siyang pumasok sa loob ng kompanya at dumiretso siya sa may elevator.   Habang naghihintay siya sa pagbukas nu'n ay siya namang pagdating ng kanyang boss. Si Clement Rosco.   "Good morning, Mr. Rosco," agad niyang bati sabay yuko bilang paggalang sa kanyang boss.   "Good morning," mahina nitong tugon. Nauna itong pumasok sa loob ng elevator nang magbukas na ito at agad din naman siyang sumunod. Pumuwesto siya sa may bandang likuran nito habang matipuno itong nakatayo na nakatalikod sa kanya.   "Oh, my god!" sigaw niya nang bigla na namang napahinto ang elevator sa pag-akyat nito at kasabay nu'n ay ang pagkawala ng ilaw sa loob nu'n na siyang lalong ikinatakot ni Gabriela.   Pero nang mapansin niya ang pagiging kalmado ng kanyang boss ay pinipilit na lamang din ang sariling maging kalmado at mabuti na lamang ay agad ding bumalik ang ilaw kaya nakikita na niya ang loob ng elevator pati na ang kanyang boss na nanatili pa ring nakatayo at walang imik.   Nakakahiya naman kung gagawa siya ng eksena habang ang kanyang boss ay parang hindi naman apektado sa nangyari.   Nagtatakang napatingin siya sa kanyang boss nang bigla itong napahawak sa gilid ng elevator na para bang nahihilo, pinakirandaman niya ang bawat kilos nito habang siya naman ay nanatiling kalmadonh nakatayo sa may bandang likuran nito.   "Make a call for help," sabi nito sa mahinang boses na para bang may dinaramdam na taranta namang kanyang sinunod.   Mabilis niyang kinuha ang kanyang phone saka niya idinayal ang phone ng isa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho para ipaalam na na-stuck sila sa loob ng elevator.   "Hello, Cindy," aniya nang sagutin na ng kanyang kaibigan ang kanyang tawag.   "Oh, sis bakit?"   "Nandito ako sa loob ng elevator kasama si Mr. Rosco, na-stuck kami rito. Hindi namin alam kung bakit bigla na lamang----Mr. Rosco!" sigaw niya nang nakita niya ang unti-unting pagdausdos ng kanyang boss.   Mabilis niyang nailayo ang kanyang phone mula sa kanyang tainga at agad na sinalo ang kanyang boss bago pa man ito tuluyang bumagsak sa sahig ng elevator at mauntog ang ulo nito. Napahiga sa kanyang kandungan ang kanyang boss na wala na sa tamang huwisyo nang mga sandaling 'yon sa kadahilanang hindi niya alam na siya namang nagbigay sa kanya ng pagkabahala.   "Mr. Rosco! Mr. Rosco!" tawag niya kay Clement habang niyuyugyog niya ito sa balikat nito.   "Hello, sis?" narinig niyang tawag sa kanya ng kanyang kaibigan mula kabilang linya.   "Hello, sis," sagot niya habang nanginginig ang kanyang boses dahil sa pag-aalala sa kanyang boss.   "Tatawagan ko na ang maintenance, huh?"   "Pakibilisan mo, please," pakiusap niya rito at agad na lamang siyang napatingin sa kanyang kamay nang bigla itong hinawakan ni Clement at du'n na niya napagtanto kung bakit ito nanghihina ngayon.   "Diyos ko po, Mr. Rosco, ang init-init niyo po," lalong nababahala na saad niya nang dumantay ang mainit nitong palad sa kanyang balat, "Nilalagnat po kayo," sabi pa niya saka niya inayos ang pagkakahiga nito sa kanyang kadungan habang nasa dibdib niya ang sobrang pag-aalala para rito.   "Nasaan na ba sila? Ba't ang tagal?" bulong niya habang kumakabog ang kanyang dibdib.   Napatingin siya sa kanyang boss na nakapikit na ang mga mata nito. Biglang kung anong may kakaibang damdamin siyang nararamdaman habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Clement. Ngayon lamang niya ito natitigan nang ganito kalapit at hindi niya inaasahang mapapahiga pa ito sa kanyang kandungan.   Mabilis na pumintig ang kanyang puso habang nanatili siyang nakatitig kay Clement. Aaminin man niya o hindi, may kuryente siyang nararamdaman sa loob ng kanyang katawan dahil sa eksenang hindi naman niya inakalang mangyayari sa kanya.   Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kanang kamay saka wala sa sariling dinama niya ang makakapal nitong kilay gamit ang kanyang hintuturo.   Pinasadahan niya ang ilong nito hanggang sa tungki nito at bumaba pa ang kanyang daliri hanggang sa mga labi nito. Napatigil na lamang siya bigla nang muli niyang naramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso.   Inilapat niya ang kanyang palad sa kaliwang dibdib niya at damang-dama niya ang pagpintig ng kanyang puso. Minsan na niyang ginawa kay Diego ang ganu'ng bagay pero bakit iba ang dating sa buong pagkatao niya nang gawin din niya iyon sa kanyang boss?   Bumibilis din ang pagtibok ng kanyang dibdib sa bawat sandaling nagkakaroon siya ng physical contact sa kanyang nobyo pero bakit ibang-iba ang naging epekto ni Clement sa kanya? Bakit hindi niya nararamdaman ang damdaming bigla na lamang umusbong sa kanyang puso habang pinagmamasdan niya ang kanyang boss kay Diego?   Muli siyang napatingin sa kanyang boss at this time, nagmulat ng mga mata si Clement at diretso sa kanyang mga mata ang paningin nito.   Lalo tuloy nagwawala ang kanyang puso nang magkatitigan silang dalawa ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD