2 years later “Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday happy birthday to you.” malakas at sabay sabay na kanta ng mga customer na nasa gitna ng dance floor. “Let’s give it up a big and loud round of applause for my baby birthday boy..” malakas na sigaw ni Zoe sa lapel mic na malapit sa bibig. Malakas na sigawan at palakpakan ang yumanig sa buong bar ng sir Ziggy nya. Naki usap sya rito na baka puwede syang mag disk jockey ng isang gabi lang dahil birthday ni Rustom. Pumayag naman ang mga ito sa pag aakala na boylet talaga nya ang assistant ni Ethan. it’s been 2 years simula ng umalis si Ethan ng walang paalam. Ni walang text or call na pangangamusta galing rito. Huling balita nya rito ay nun sa aiport na nakunan ang mga ito ng camera na kasamang umal

