Gusto ng tumawa ng malakas ni Zoe pero pinipigilan nya. Pinuntahan nya ito sa office para dalhan ng lunch pack nito pero nakita nyang tulog sa mesa nito. Samantalang hindi naman sila puyat kagabi. Kaninang umaga masama nanaman ang gising nito hindi na rin maipinta ang guwapong mukha dahil hindi nito bet ang breakfast pero di naman nag reklamo. Takot din kasi ito layasan nanaman nya kaya minsan sya na muna ang aadjust dahil sinalo nito na dapat sya ang nakakaranas hindi naman nya alam kung bakit ito ang nag lilihi instead na sya. 5 buwan daw usually nag lilihi ang isang ina. Kulang nalang umiyak na si Ethan ng malaman na 5 buwan ito ganun ang pakiramdam. Ilang beses na ba na sinubukan nito makipag make love sa kanya pero they end in the bathroom dahil sabog nanaman ang suka nito. Nabibiti

