Nakahinga naman ng matiwasay si Zoe ng malaman nya kay Rustom na paalis ang mga ito papuntang singapore. Alam na daw ni Ethan ang nangyari sa kanila ni Alliah kaya pag balik daw nito mamayang gabi sila mag uusap pero di pa daw nakikita no Ethan ang mga uploaded video sa social media. Sa mga bodyguard lang daw nito nalaman. Ibig sabihin lang pala si Ethan talaga ang mag lagay ng bodyguard para sa kanya ng lingid sa kaalaman nya. Busy sya sa computer ng tumunog ang telephone sa mesa ni Ethan kaya nilapitan nya iyon para sagutin. Sa lobby receptionist galing ang tawag. Pinababa sya dahil meron daw mga pulis doon at may warrant of arrest para sa kanya. Saglit pa syang natulala sa narinig parang bigla nag loading ang buong system nya. Warrant of arrest para sa kanya. Makukulong sya pakiramdam

