YANNA “AKO nga, Yanna. Ako ang taong matagal mo ng hinahanap… Ako ang lalaki na pinangalanan mo noon na ‘Boyong’.” Hindi ko alam ang maramdaman ko pagkatapos kong marinig ang tinuran ng aking asawa. Napatitig lamang ako sa kaniya. Hindi makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na ang estrangherong lalaki na matagal ko ng hinahanap ay asawa ko lang pala. Tiningnan ko siya nang masama. “K-kung ikaw nga talaga si ‘Boyong’ at alam mo na ako ang batang tumulong sa’yo noon, bakit ngayon mo lang sinabi sa’kin? Bakit mo ako pinagmukhang tanga noong inamin ko sa’yo ang lahat-lahat?” puno ng hinanakit na tanong ko. “Dahil wala na akong maalala, Yanna.” Bumuntong-hinga siya. “Noong napulot mo ako sa dalampasigan ay may amnesia ako noon kaya hindi ko maalala kahit ang pangalan ko. Kaya ang sabi mo, il

