A Proof of Betrayal "Hello Tita Millie! Si Ely po ba andito?" tanong ko sa mama ni Ely na pinagbuksan ako ng gate ng bahay nila sa masakit na tunog ng pagbukas ng tarangkahan nila. "Gusto ko lang po siya bisitahin para maiba naman." Elydia's mother's aura emmits a kind ambiance but when angered, well... enough said of that. Today, Mrs Jones seemsed to be even-tempered. "Naku! Nagpunta saglit sa lola niya si Dia sa kabilang kanto, nagbigay ng ulam doon. Gusto mo maghintay ka na lang sa loob. Saglit lang naman 'yang kaibigan ninyo." Tumango ako, nakaakmang ibubuka na ang bibig pero bago pa ako makasalita ay sumagot na para sa akin si Eugenio na sinamahan ako rito. "Sige po, hintayin na lang po namin siya." Hinawakan ni Tita Millie ang kamay ko at inalalayan ako mula sa tarangkahan

