Fell Apart Hindi agad ako inuwi ni Ichor sa bahay ko at iginiit niya sa akin na hindi niya ako pauuwiin hanggang may isang buhol pa na buhok sa ulo ko kaya imbes na umuwi mula sa eskwelahan ay nilagpasan pa namin ang bahay ko at nagpunta pa kami sa mansyon ng mga Zaldariaga. Sa daan papunta roon ay tinawagan ni Ichor si Luke para pumunta sa mansyon. Dinaluhan agad kami ng mga kasambahay ng mansyon noong makita ang kalagayan namin ni Ichor nang nakarating na kami at kahit na nasa bulwagan pa lang kami. Ako na mukhang kinalahig ng manok ang bawat hibla ng buhok sa ulo at si Ichor na duguan ang mga kamay. May bakas pa nga ng pasa ang kaliwang panga niya na nagiging kulay asul na. Napapikit na lang ako para maiwasan na magkomento sa itsura niya. Ilang minuto matapos naming dumating ay saka

