Europe Natatakot ako sa paparating na Lunes. Wala akong ibang maisip kung hindi ang susunod na ilalabas ng The Page. "Nakailang buntong hininga ka na?" isang mababang boses ang inabala ang pagmumuni-muni ko. Muntik na akong mapatalon noong isang malaking anino ang tumakip sa araw. "Nick." Ilang akong ngumisi sa kaniya. "G-ginulat mo naman ako." Dumiretsyo ang mga daliri ko sa lapastangan kong buhok na patuloy sa paghaba. "Kanina ka pa habang nagbe-breakfast tayo na parang lutang ah?" he snickered and pointed at my face. "Kanina pa nakaturo paibaba iyang buong mukha mo." Inismiran ko siya. "Marami lang iniisip." tanging sagot ko. Isang mahaba at sobrang ilang na katahimikan ang dumaan sa gitna namin. And the funny thing was, I was not even aware if it. I continued to wait for a tricy

