Gone Awtomatiko ang pagkuyom ng mga kamao ko sa sinabi ni ate sa akin. Bago pa mawala si Cady ay magkasama silang tatlo? Teka, hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano dahil lang nataon na ako rin ang kasama ni Cady ng mga panahon na sinabi ni ate. Isa pa, bakit naman magsisinungaling sa akin si Luke? Hindi ba ay hindi niya naman talaga si kakilala si Ichor? Hindi ba ay wala rin siyang ideya sa kung sino siya? Bakit kailangan niya pang magpanggap na hindi naman niya kilala si Ichor kung sa una pa lang ay kilala na niya ito? Most importantly, why would Luke be suspicious of Ichor when he helped me? I can still remember from the back of my brain what Luke said back then, when Ichor helped with how to to deal with Luis and his mother, Principal Devina who was the principal of my old school

