" Oo ate, ndi ko naman nakakalimutan"
Medyo marami na din naman akong nagawang content tungkol sa Pananampalataya, Pagasa, Pagibig at Katatagan.( Faith, Hope, Love and Resilience).
" Napansin kong mas maganda ang mga kinuha mong pictures at nilapatan mo ng musika." habang nakikinig si Ruth gamit ang earphone ay nakangiti ito sa kanya.
" Yung content kung saan ako mismo ang kumanta, kumusta naman"
" Hmmm.. ang tutuo..medyo sintunado" malakas ang tawa ng magpinsan. Pero ayos lang yun dahil palagi namang me room for improvement. "
"Nadadagdagan ba ang kinikita mo sa mga ginagawa mo? "
"Ndi", maaring ndi pa sa ngayon. Matipid ang sagot ni Esther kay Ruth. Pero ndi naman ito ang main goal ko sa pag gawa ng content kundi ang pagpapahayag ng mensahe ng Diyos" nakatingin siya sa parang blangkong itsura ng kanyang pinsan.
Kaya tayo naghahanap buhay at nagawa ng paraan para dagdag na pagkakakitaan. Hindi man ganon kadali ang buhay maswerte pa rin tayo dahil ndi tayo nawawalan ng pagasa.
Pag ginagawa naman natin ang ating makakaya ang ibang bagay ay ipapaubaya na natin sa Diyos.
" Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuutin. Hindi ba't ang buhay ay higit sa pagkain, at ang katawan ay higit sa damit? Tignan ninyo ang mga ibon sa langit; hindi sila naghahasik, hindi sila nag-aani, at hindi sila nag-iipon sa mga kamalig; at pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't kayo'y mas higit na mahalaga kaysa sa kanila..
" Siguro ate, gusto ng Diyos matutunan natin ang simpleng buhay na umaasa sa kanya. Kasi kung napapansin mo madalas ndi talaga marangya ang mga buhay ng tagasunod ng Diyos. Dahil mas gusto niyang magtiwala tayo sa Kanya kesa sa materyal na bagay na binibigay ng mundo.
Tumango lang si Ruth bilang pag sangayon sa tinuran ni Esther.
Mabagal lumipas ang araw at naisip ni Esther na lumabas upang kumuha ng larawan ng ibat ibang magagandang bagay sa paligid. Mga bulaklak, puno, mga maliliit na insektong lumilipad at mga langgam habang naghahakot ng pagkain. Merong mga batang tumatakbo at naglalaro sa park at mga magulang na nakangiti habang pinagmanasdan ang mga ito. Sa simpleng mga bagay kinukuha ni Esther ang mga subject matter upang Ipakita ang kagandahan ng nilikha ng Diyos.
Sumaglit din siya sa simbahan upang kumuha ng mangilan ngilang larawan ng image ng Diyos at magagandang lugar doon.
Paghihikayat ito sa mga tao upang pumunta sa simbahan at panawagan upang manalangin.
Nakita niyang nanonood ng balita ang kanyang anak at pamangkin.
' Puro lindol at baha ang asa balita", mahinang sambit ng kanyang binatang anak. Malungkot na ganito ang nangyayari sa mundo, Kaya kelangan nating maging handa sa mga mangyayari. Physically, Emotionally at lalo na Spiritually.
Ndi inaasahan ng lahat ang mga sunod sunod na pangyayari sa bansa. Gayundin sa ibang panig ng mundo, nagulat na lang ang lahat dahil ndi lamang isa kundi ibat ibang lugar ang naapektuhan ng lindol.
Napanood niya ang kalunos lunos na sinapit ng mga kababayann niya. Mga tahanang ilang taong pinag ipunan upang maipundar, mga establishementong nawasak dahil sa pagyanig ng lupa, ngunit higit sa lahat ang mga buhay na nawala at mga gumuhong pangarap ng mga taong ndi alam kung saan pupunta.
Bahagyang tumulo ang luha ni Esther habang ramdam niya ang hirap na pinagdaraanan ng mga kaawa awang kababayan. Sa huli sa Diyos tayo lalapit.
Ndi tulad ng bagyo na pedeng ipredict ng tao, walang tahasang paraan para matukoy kung saan at kelan ito dadating. Maliban sa mga senyales ng kakaibang ikinikilos ng mga hayop sa paligid.
Gabi na at napansin niya ang tila mapulang kulay ng bwan, Wala ang mga bituin sa langit.
Sa pagidlip ni Esther batid niyang merong mensaheng ipapaabot sa kanya ang langit, kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata at nanalangin.
" Esther, kanina pa kita hinahanap. Maari ka bang sumunod sa akin.Muli nakita ni Esther si Mordecai, ngunit ndi na siya nagulat. Marahan siyang sumunod sa ginoo na sa panaginip ay itinuturing siyang kanyang pinsan.
"Esther, ang hari ay nag-utos na dalhin sa palasyo ang lahat ng dalaga sa kaharian upang mahanap niya ang kanyang bagong reyna. Kailangan mong samantalahin ang pagkakataong ito."
"Ano ang gagawin ko, Mordecai." Ndi niya masambit ang susunod na salita. Kaya hinayaan na lang niyang ituloy ng ginoo ang sasabihin niya at matyagang nakinig si Esther.
"Huwag kang matakot, Esther. Ang Diyos ang mag-aalaga sa iyo. At baka nga para sa ganitong panahon ka nga pinili ng Diyos.
Nagising si Esther at ndi niya naintindihan kung ano ang kaugnayan niya sa Esther na asa bibliya.
Ndi siya naghahanap ng kahit sino man, dahil masaya naman siya sa buhay na meron siya. Gayong salat man sa yaman, marunong pa rin siyang magpasalamat sa Diyos.
Maaga pa lang ay dumalaw na sa kanya si Ruth.
" Ate bakit kaya ganon ang panaginip ko, ako daw si Esther,, yung sa bibliya
Haha, ndi ba dati ka pa namang nakakapanaginip ng kung ano ano, nakakabasa ng iniisip ng tao. Kung ndi kita kilala maninibago ako sayo. Pero kung ang panaginip mo ay tugma sa panahong magulo ang mundo at maraming sakunang nagaganap, maaring may simbolismo ang lahat ng ito.
" Pero me edad na ako, at ang Esther na tinutukoy sa panaginip ko ay bata at maganda."
" Esther ndi tayo tinitignan ng Diyos sa panlabas na anyo, ndi sa edad o estado sa buhay, kundi sa puso at pananampalataya.
Minsan iniisip nating ndi tayo karapatdapat dahil sa ating mga nagawang kasalanan, pero wala namang taong ndi nagkamali."
Ang kakayahan nating magpatawad sa kamalian ng kapwa ay isang patunay ng mabuting puso.
Naguguluhan man sa mga pangyayari, tinanggap ni Esther na maari ngang merong pahiwatig ang Diyos para sa kanya at sa mundo.