" Ano ba ang kelangang gawin ng mga tao kung parang walang nangyayaring progress o pagbabago sa buhay?", tanong ni Esther kay Ruth habang sila ay nanood sa mga nakakapanlumong balita sa television.
" If nothing makes sense, worship God", Minsan ndi natin naintindihan kung bakit merong mabubuting taong naghihirap gayong madaming masasamang tao ang nagpapasasa sa kayamanan.
" Esther, sinasabi sa bibliya, kahit sa mahirap na panahon, basta tayo ay naniniwala at nanampalataya sa Diyos, Siya ay lagi nating kasama. "
Walang mapapala ang tao kung nakamtan niya ang lahat ng materyal na bagay ngunit nawala ang kanyang kaluluwa, dahil ang kaluluwa ay mas mahalaga at walang hanggan, samantalang ang mga materyal na bagay ay pansamantala lamang.
" Ndi natin ipagpapalit sa masaganang buhay kung mawawala ang daan daang buhay ng ating kapwa ng dahil sa atin.
" Kung sobrang dami ng kayamanan natin sa mundo at ndi naman natin ito madadala sa kabilang buhay, ndi ba mas mabuting ipamahagi ang ibang yaman sa mga nangangailangan?.
" Ruth kagabi nakita ko sa aking panaginip ang mga kaawa awang kaluluwang ndi pa handa sa pag alis sa mundo. Gayong mga angel sa langit ang sumundo sa kanila, mga bata, matanda at yung mga ayaw pang lumisan dahil nag aalala sa mga iwanan nila. Pinayapa sila ng tinig na nag sasabing wag mag alala dahil sa pupuntahan nila ndi sila pababayaan ng Diyos.
" Ndi naman talaga patas minsan ang mundo, yung asa kapangyarihan at mayayaman na ay nanagana habang ang mga trabaho ng trabaho para magkaroon lang ng makakain at pantustos sa pang araw araw ay lalong naghihirap.
Pag ang pakay ng iba ay pahirapin lalo ang buhay ng kapwa, ganitong parusa rin ang makakamtan nila sa kabilang buhay.
Tumayo muna si Esther upang kumuha ng maiinom. Lumingon siya kay Ruth na pailing iling lang habang nakikinig sa balita. " Pag ang mahirap kumuha ng bigas para sa nagugutom niyang pamilya, siya ay agad ikukulong ngunit pag ang mayaman o asa pwesto ang kumuha ng milyon o minsan bilyon pa, marami ang tatahimik na lamang.
Ndi ba kung ang pera ay inilaan sa mga mahihirap at nangangailangan ndi sana makkaisip yung mahirap na kumuha ng bigas dahil sa kagutuman.
Nakakapanlumo na kelangan pang bumagyo o lumindol upang makita natin ang tutuong kalagayan ng bansa.Gayon pa man ang lahat ay ipapanalangin natin sa Diyos dahil Siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat.
" Esther, sa pakiramdam mo ba, makakatulong ang pagsusulat mo kung ndi naman ganon karami ang nakakabasa?"
At kung alam nilang ikaw ang nagsulat maiinganyo mo ba silang maniwala sa kagustuhan ng Diyos.
" Alam mo Ruth marami sa nakakabasa ang maaring mag isip kung karapat dapat bang maniwala sila sa akin o ndi, dahil sa nakaraan ko. Ganon pa man mas susundin ko ang kagustuhan ng Panginoon na mag bahagi ng Kanyang salita sa mundo.
" Marami sa mga taong magtatanong kung bakit ka nagkukunwaring paro paro? dahil ndi ito ang tingin nila sayo.
Kaya hahanap sila ng mukhang paro paro upang Ipalit sayo.
' Ako ate ndi nakikipag kumpetensiya kahit kanino. Minsan ang nakakasama lang ng loob sa lahat ng pagsusumikap natin, kahit yung bare minimum ayaw pa nilang ibigay kung pinag trabahuhan naman natin ng maayos. Andyang ireremote access ang laptop mo para malito ka, me buwan halos ndi ako nakapag trabaho dahil sinira yung connection ng IP address sa laptop ko, at meron panahon na kahit pass ka iibahin nila yung results ng stats mo para lang ndi mo makuha ang commission mo. Lahat na lang ginawa nila habang nagpupursigi ka ng maayos.
" Masakit sa loob kung gusto mo yung ginagawa mo, pero paulit ulit ibabalik yung nakaraan mo para lang ndi ka ma qualify".
" Esther kung mag fofocus ka lang sa sasabihin ng iba, ndi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo..Pa salamat ka sa mga tumutulong sayo at ipagdasal mo pa rin ang lahat.
Maliwanag na ang araw at tulad ng dati kumuha si Esther ng larawan ng makukulay na bulaklak, luntiang puno, lumilipad na mga paruparo at ang kanyang asong si tutah.
Masaya na siya sa mga simpleng bagay at ipinagdarasal niya na sana magawa niyang maayos ang finances niya. Para ng sa ganon mabili niya yung ibang pangangailangan nila at makatulong sa ibang gipit sa pera. Tutuong mahirap ang buhay niya sa mundo dahil habang ang iba ay pinapapurihan sa mga achievements nila, kelangan niyang tangapin na iba ang mission niya sa mundo. At Isa na nga sa iniatas sa kanya ng Diyos ay makiusap sa mga kinauukulan para matulungan ang mas nakakaraming mahihirap.
Gayong ndi ito batid ng iba dahan dahan niyang iminumungkahi na palawakin ng loan companies ang pang unawa sa maraming mahihirap nilang kababayan. Ndi naman siguro kalabisan kung mabawasan nila ang interest o tubo o kaya extend ang months of payment. Sa ganoong paraan nakaka tulong din sila habang napapalago nila ang business nila. Batid niya ndi ganoon kadali pero pede naman subukan.
Ang mahihirap na kababayan naman natin ang lalapit sa ganitong kumpanya kasi ndi ito kakailanganin ng mayayaman na.
Madalas pag nagdadasal siya sa Diyos upang humingi ng tulong financial, nag ring ring ang fon niya sa alok ng mga ganitong kumpanya.at sasabihin niya, " Lord bakit po kaya sila ang pinapadala mo sa akin?" At me tinig siyang naririnig.
* Dahil kung saan ka hinahamak yun ang Divine assignment mo". Kelangan ang lakas ng loob para magawa mo ito ng maayos. Merong mga kumpanyang pinapakiusapan mo dahil ang 35- 60 percent nilang interest sa isang bwan ay lubhang napakalaki. Merong mabait na makakaunawa ngunit meron ding nagpapadala ng grave threat.
Kaya patuloy ka lang na magdadasal upang tulungan ng Diyos.
Ang pananampalataya ndi man nakakapag pabago agad agad sa katayuan sa buhay. Pero meron kang kapayapaan sa puso na ndi mawawala kahit sa mga mahihirap na panahon. Mas mahalaga pa ito kesa sa madaming pera ngunit walang contentment .Gayong susubukan ng iba ang ma intimidate ka o hamakin ka. Ang pagtitiwala natin sa Diyos ay lalo lang lumalakas. Isang patotoo na kahit sa panahon ng pagsubok palagi lang andyaan ang Diyos para sa atin.
Napaidlip si Esther at muli napanaginipan niya ang lugar ng Persia. Sa magarbong palasyo na napapalibutan ng ginto, andon ang magagandang dalagang ipinatawag ng hari.
Gayong batid niyang ndi siya naangkop sa. lugar na iyon, naisip niyang maaring iba ang itsura niya sa paningin ng mga tao doon, kaya pumila siya at muli nakita ang kanyang pinsang si Mordecai.
" Andyaan ka lang pala Esther, lumapit ka dito at makapag palit ng mas maayos na damit. Maraming magagandang dalaga ang nakasuot ng magarbong damit at mamahaling kwintas. Ganoong napaka simple lamang ng kanyang anyo batid niya, Diyos naman ang pipili sa kanya. Nangingiti siya habang natutulog dahil ndi niya pa rin mawari kung ano ang kinalaman niya sa Esther sa bibliya.