CHAPTER 5 – MONICA'S IN TROUBLE
----
Halos maluha at hindi makapaniwala, yan ang mga naramdaman ni Miguel nang makita niya sa wakas ang babaeng sobrang tagal na niyang hinahanap. Wala itong kaalam alam na si Misyon palang ito ay dito niya matatagpuan ang dalaga. Ngunit kahit na ganunpaman ay tila hindi pa rin naging masaya si Miguel.
Lalo na nang mabalitaan nito na may asawa na pala ang kanyang babaeng minamahal. Hindi ito makapaniwala sa mga ibinalita sa kanya ni Dr. Charles. Tulala at maraming iniisip, mukhang hindi papayag si Miguel na basta basta nalang siyang magpapatalo dahil naniniwala ito hindi nagsasabi ng totoo ang babaeng bumaliw sa kanya...
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Sa wakas, natapos na rin ang duty namin! Dumating na ang karelyebo namin, at pinayagan kaming magpahinga nang maaga ni Dr. Blaire dahil pang-umaga muli kami bukas. Exciting pa lalo dahil balitang darating na ang mas marami pang relief goods at volunteers. Nakakatuwang makita ang dami ng tumutulong, at sobra ang pasasalamat namin sa kanilang lahat.
May isa pang magandang balita—ayon kay Mama na katawagan ko ngayon, humupa na raw ang baha sa lugar namin! Kasalukuyan daw nilang nililinis ang bahay, at buti na lang ay may mga kapitbahay na tumutulong.
"Oo, anak. Huwag kang mag-alala. Hindi mapapagod si Mama mo dahil marami ang tumutulong dito. Babayaran ko na lang sila pagkatapos, at mag-eemeryenda din kami mamaya," masayang sabi ni Mama, halatang excited sa pag-aayos.
Napangiti na lang ako. Salamat naman at unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat. Si Riley naman, parang bata sa tuwa at halatang excited nang umuwi. Pero naisip ko, bago kami umalis, kailangan kong magpaalam kay Kuya.
Magkahawak kami ng kamay ni Riley habang papunta sa booth ni Kuya—panindigan na namin ang pagiging "mag-asawa kuno." Kung noong una ay nandidiri kami sa setup na ito, ngayon ay parang nasanay na rin. At least, wala nang eww factor.
Pagdating namin sa booth, wala si Kuya. Nag-banyo raw sabi ng isang staff na natanong namin, kaya naisip naming hintayin na lang siya doon.
Habang naghihintay, napansin namin ni Riley ang mga gamit sa loob ng booth. Nakakamangha ang makabago nilang mga medical equipment. Grabe, parang pang-high-tech na ospital! Nasa kalagitnaan kami ng paghanga nang aksidente niyang masagi ang ilang gamit.
Laglagan mode.
"Hala, girl! Ano ba yan, mamaya mahuli tayo!" bulong ko, nag-aalala habang tinutulungan siyang pulutin ang mga nahulog. Buti na lang talaga at wala pang tao sa booth, kundi lagot kami.
Mga papeles at ID ang mga nahulog, kaya ingat na ingat kami sa pagbalik nito sa lamesa. Bigla akong kinabig ni Riley.
"Huy, te! Tingnan mo 'to!" excited niyang sabi, hawak ang isang ID.
"Bakit ba?" inis kong tanong habang binibigay ang mga nadampot ko sa lamesa. Pero nang makita ko ang hawak niyang ID, Natigil ako nang makita ko ang pamilyar na mukha sa ID. Tila nanigas ako sa kinatatayuan. Binasa ko ang pangalan parang bumagal ang oras.
"Dr. Lorenzo Miguel Samaniego, Neurosurgeon?" bulong ko, habang tinitignan ang pamilyar na mukha sa ID. Napatingin ako kay Riley, at sabay kaming napa-"OMG!"
Siya nga. Maputi, mapula ang labi, at asul ang mga mata. Walang duda—si Miguel ito.
Nasa kalagitnaan ng freak-out mode namin nang biglang may lumitaw na lalaki Matangkad, moreno, at may seryosong mukha. Nahuli kami nitong hawak ang ID ni Miguel.
"Excuse me? Sino ho kayo, at bakit niyo hawak ang ID ng boss ko?" tanong niya, halatang iritado, sabay kuha ng ID mula sa kamay ko.
"Kung may hinihintay po kayo, baka puwedeng sa labas na lang ho. Mahirap na po at baka may mawalang gamit. Ayaw naman natin 'yun, di ba?" dagdag niya, may kasamang judging look.
Napataas ang kilay ko. Ang rude naman nito! Lumabas na lang kami ni Riley, pero naglalagablab ang ilong ko sa inis. Talaga bang pagbibintangan kaming magnanakaw? Grabe ha!
Si Riley naman, mukhang hindi natapos ang inis niya. Habang nasa pinto na kami, talagang nakipagtitigan pa siya sa lalaki.
"Yes, sir? May problema ho ba tayo? Kung makatingin kayo, parang nangungursunada?" madiin na sabi ni Riley, angas na angas.
"Ano? Maangas ka?" sagot ng lalaki, sabay lapit pa.
Naku, parang away na ito! Halos mag-apoy na ang hangin sa pagitan nila. Nakakainis. At the same time... parang may spark? Namumula si Riley! Ang landi pa ng tingin niya. Jusko, beshy! Focus!
Buti dumating si Kuya at agad silang inawat. Nakahinga ako nang maluwag. Jusko, grabe ang nerbyos ko kanina. Yung lalaki kasi, malaki ang pangangatawan, matangkad, at halatang palaban.
"Anong nangyari dito? Jeric, ano ba? Asawa ng kapatid ko 'yan!" sermon ni Kuya sa lalaki. Napayuko na lang si Jeric at umalis pagkatapos.
Humingi naman ng pasensya si Kuya sa amin. "Pasensya na ha. Assistant kasi 'yun ng Head Surgeon namin. Bantay-sarado siya dito kaya siguro nag-overreact. Nasaktan ka ba, bro?" tanong niya kay Riley, sabay akbay.
Si Riley naman, parang kinikilig pa at yumakap pa kay Kuya! Jusko, nakakahiya!
"Babe!" gigil kong sabi, hinila ko siya papalayo. Pinandilatan ko na rin siya para matauhan. Buti na lang, naalala niyang "mag-asawa" nga kami.
"Haha, sorry! Magkamukha kasi kayo ng Kuya mo, ano ba 'yan. Nakakahiya, sorry bro!" sabi ni Riley, nangingiti pa rin habang papalayo kami.
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Eto na naman. Yung parehas na pakiramdam na naramdaman ko nung unang beses kong makita si Monica sa bar gabing iyon—ang pananabik, ang pagkasabik ko sa kanya—bumabalik. Nang malaman kong kasal na siya, parang mas lalo lang akong naggigil. Pilit ko itong pinipigilan dahil ayokong gumawa ng eksena, lalo na't marami kami rito. Kaya heto ako, pinipiling pagmasdan siya mula sa malayo, kahit tuwing nakikita ko siyang magkahawak ng kamay kasama ang tinatawag niyang asawa.
Pero hindi. Hindi pwede ang ganito.
Ako si Lorenzo Miguel Samaniego. At hinding-hindi ako magpapatalo.
That girl was mine. Ako ang unang nagmahal sa kanya, at ako rin ang unang lalaking umangkin sa kanya. Kaya nararapat lang na sa akin siya mapunta. Wala akong pakialam kung kasal na sila. Ang importante, magkakabalikan kami.
At isa pa, may hawak akong alas. Ang mga bata. Sigurado akong akin ang triplets na iyon. Kita sa mga mata nila—ang parehong asul na mata ko. Ang edad nila, tugmang-tugma kung pagbabasehan ang gabing magkasama kami ni Monica. Hindi niya kayang itanggi ito sa akin. Sigurado akong nagsisinungaling lang si Monica sa Kuya niya, pero ako—hindi niya ako kayang bilugin.
"So, ano, Jeric? May update ka na?" tanong ko sa assistant ko habang nakatayo sa sulok ng booth, nagmamasid.
"Negative pa, boss. Pero... mukhang nagpapaalam na sila kay Dr. Charles," sagot niya habang mabilis na nagtatype sa tablet niya.
Napakunot ang noo ko. "Ano'ng ibig sabihin? Lalabas na sila?"
Tumango si Jeric. "Oo, boss. Mukhang nagplano na silang umuwi. Pero huwag kang mag-alala, pinakikiramdaman ko ang bawat kilos nila."
Humigpit ang hawak ko sa penlight na nasa bulsa ko. Nag-init ang pakiramdam ko. Hindi pwede ito. Hindi pwede siyang basta na lang umalis nang hindi ko siya nakakausap.
"Jeric, bantayan mo sila. Pero huwag kang masyadong halata."
Tumango siya at agad na umalis para gawin ang utos ko. Ako naman, nanatiling nakatayo, pinipigilan ang tensyong nararamdaman ko.
Ang hirap nito. Ang hirap pigilan ang sarili kong lapitan siya, kausapin siya, tanungin siya ng harapan. Pero alam kong may tamang panahon para doon. At sa oras na iyon, hindi siya makakaiwas.
Habang nag-iisip, napansin kong lumapit si Dr. Charles sa booth. May dalang papel, at mukhang abala siya sa pakikipag-usap kay Monica. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, pero ang tingin niya sa kanya, parang may alam siya na hindi ko pa nalalaman.
Hindi ko gustong maging ganito. Hindi ko gustong maging stalker ng sariling babaeng mahal ko. Pero anong magagawa ko? Ang tagal kong hinanap si Monica. Ilang taon akong nagtitiis na hindi siya makita, na hindi malaman ang sagot sa mga tanong ko.
At ngayong nandito siya, hindi ko hahayaang mawala siyang muli.
"Lorenzo..." bulong ko sa sarili ko, pinipilit kalmahin ang pag-init ng ulo ko. "Stay focused. May tamang panahon para sa lahat."
Pinilit kong huminga nang malalim at ipagpatuloy ang pagmamasid. Ngayon, ang kailangan ko lang gawin ay tiyakin na hindi sila makakaalis nang hindi ko nalalaman.
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Halos isang oras din kaming nagkwentuhan ni Kuya, at parang hindi pa sapat ang panahong iyon para makapag-bonding nang husto. Ang dami naming napag-usapan, ngunit kailangan na niyang umalis dahil pang-umaga pa sila bukas. Dumating na rin kasi ang shuttle bus nila, kaya wala na akong nagawa kundi magpaalam. Napag-alaman ko pang sa hotel lang sila nag-iistay, at kinabukasan ay uuwi na sila agad pagkatapos ng Medical Mission.
Nang makaalis si Kuya, naisip namin ni Riley na umuwi na rin. Pero hindi ko na kayang tiisin—kailangan ko munang magbanyo.
Medyo madilim na sa nilalakaran namin dahil maraming bumbilyang patay na, at yung ilan pang gumagana, kumukurap-kurap pa. Nakakakilabot. Habang papalapit kami sa banyo, kinabahan na ako, pero pinilit kong magpakatatag. Siyempre, bawal akong samahan ni Riley sa loob, kaya mag-isa akong pumasok.
Pagpasok ko, napansin kong maluwag naman ang banyo. May malaking salamin at tatlong cubicle. Dahil halos hindi ko na matiis, agad akong pumasok sa isa. Pagkalabas ko, lumapit ako sa lababo para maghugas ng kamay.
"Lalala lala..." mahinang pag-awit ko habang sinasabon ang kamay ko.
Bigla na lang—BLAG!—namatay ang ilaw.
"Put**in!" Napasigaw ako sa gulat. Omg! Wala akong makita. Wala rin akong magamit na ilaw dahil nasa labas si Riley nasa kanya ang bag ko at nanduon din ang cellphone ko. Nagkapakapa nalang ako sa dilim hanggang mahawakan ko ang pinto.
Hanggang sa...
"Ahhhh! OMG! Sino ka?!" Napasigaw ako ulit nang may biglang lumitaw na aninoo sa harapan ko. At parang eksena sa pelikula, biglang bumukas ang ilaw. Nang makita ko kung sino ang nasa harap ko, halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko parang nanigas ako sa akin kinatatayuan.
"Ikaw?!"
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Ang tanging naisip kong paraan para hindi siya makatakas? Ikulong siya. At, syempre, kasama ako.
Sa tulong ng assistant kong si Jeric, matagumpay naming naisakatuparan ang planong ito. Halos isang oras siyang nag-abang sa labas ng banyo para mabigyan ako ng signal na papunta na si Monica. Masusi kong pinag-aralan ang lahat—mula sa oras ng pagdating niya hanggang sa tiyempo ng pagpatay sa ilaw. Sinigurado ko rin na maaga nang pinick-up ng shuttle ang mga volunteers namin para walang istorbo.
Habang naghihintay ako sa loob ng banyo, hindi ko mapigilang ma-excite. Alam kong ito na ang pagkakataon ko. Nag-rehearse pa nga ako para siguradong flawless ang execution. Nang marinig ko ang pagbukas ng cubicle at makita siyang naglalakad palabas, sinara ko na agad ang ilaw at ini-lock ang pinto.
Wala ka nang takas, Monica Jimenez.
"Pakawalan mo ako, Miguel! Pwede kitang kasuhan dahil dito sa ginagawa mo!" pananakot niya, pero hindi ako natitinag. May pakay ako ngayong gabi, at hindi ako aalis dito nang hindi ko ito natatapos.
"Teka, kakakita lang natin, gusto mo na agad umalis? Hindi mo ba ako na-miss?" Hinawakan ko ang kamay niya, pero mabilis niya itong inalis.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pakawalan mo na ako, please! Maawa ka, may trabaho pa ako bukas," pagmamakaawa niya. Pero kahit pilit niyang magmakaawa, hindi ako natitinag. Alam kong ito lang ang tsansa ko para makausap siya nang harapan.
Sinubukan niyang buksan ang pinto, pinipihit ang doorknob nang paulit-ulit, pero alam kong wala siyang magagawa. Hawak ni Jeric ang susi sa labas.
"Walang magagawa ang pagdabog mo diyan, Monica. Tanggapin mo na—nakulong tayo dito," sabi ko, nakaupo malapit sa lababo, sinusubukang magpakalmo.
"Halika na, maupo ka. Mag-usap tayo nang maayos."
Hindi siya tumigil sa pagsira ng doorknob, pero nang mapagod na siya, humarap siya sa akin, ang mga mata niya nag-aalab sa galit.
"Relax ka lang, Monica. Ako lang to. Bakit parang takot na takot ka? Wala naman akong gagawing masama—maliban na lang kung may tinatago ka sa akin," sabi ko, binigyan siya ng makahulugang ngiti.
Bigla akong tumayo, nilapitan siya, at hinawakan ang balikat niya. Pinilit kong tingnan siya sa mata, pero nang magkalapit ang mga mukha namin, hindi ko naiwasang mapatitig.
"M-Monica..." bulong ko, nang maramdaman ko ang kabog ng puso ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko siya papalapit at niyakap nang mahigpit.
"Monica... Mahal na mahal kita," bulong ko habang nararamdaman kong unti-unting natutunaw ang pader ng emosyon ko. "Ang tagal kitang hinanap. Halos mabaliw ako, pero hindi ako sumuko. Kaya patawarin mo ako kung nagiging ganito ako. Ginagawa ko lang ito dahil mahal kita."
Ramdam ko ang pagpiglas niya hanggang sa naitulak niya ako.
"Pero, Miguel, hindi na pwede! May pamilya na ako. Masaya ako sa kanila. Kaya please lang, tama na ito," sagot niya, nanginginig ang boses, pero mariin ang paninindigan.
"Masaya ka nga ba talaga, Monica?" tanong ko, sinubukang basahin ang ekspresyon niya. "Akala mo ba maniniwala akong yang lalakeng kasama mo ang ama ng mga anak mo? Hindi ako tanga, Monica. Kita ko sa mga mukha ng mga bata—akin sila."
"Hindi mo sila pag-aari, Miguel. At kahit kailan, hindi mo sila magiging anak!" galit niyang sagot, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Kung gusto mo, Monica, kayang-kaya kong magpa-DNA test. Pero kung ako sa'yo, sabihin mo na ang totoo ngayon. Dahil kapag napatunayan ko na akin sila, magpapakasal ka sa akin, whether you like it or not," sagot ko, seryoso, habang binigyan siya ng isang mapaglarong ngiti.
Sinampal niya ako nang malakas, pero bago ako lumabas, dinampian ko ng mabilis na halik ang kanyang labi.
"I miss this sweet lips of yours... and I love your scent, sweetheart," bulong ko, nakangisi. bago ko binuksan ang pinto at umalis. Sa huling sulyap ko, nakita ko siyang nakatulala, hindi makapaniwala sa ginawa ko.
---