CHAPTER 35 – NON-STOP SURPRISE ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV "Welcome to Maldiiiives!" Malalakas na sigaw ang sumalubong sa amin ni Miguel pagkarating sa restaurant. Halos hindi ko ma-process ang lahat nang marinig ko iyon. Maldives pala ang resort na kanina pa niya binabanggit na sorpresa niya para sa akin! Kaya pala habang naglalakad kami kanina, parang pamilyar ang bawat sulok ng lugar—ang linaw ng tubig, ang mala-postcard na tanawin, at ang napaka-refreshing na hangin. Grabe! Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko. Ang ganda ng lugar, ang linis, at parang isang pangarap lang ito na biglang naging totoo. Napaisip tuloy ako kung magkano na ang nagastos ni Miguel para dito, pero pinili kong huwag na lang itanong—baka matulala lang ako at mahimatay. "Hay, grabe!" b

