CHAPTER 11 – SECRET FRIEND
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Nang makalapag kami sa hospital, agad na umalis si Miguel at dinala na si Mama sa ICU. Kami na lang ang naiwan—ako, ang mga anak ko, si Riley, Ate Lucy, at Faith. Si Jeric naman ang nag-assist sa amin papunta sa room namin.
Pagkapasok pa lang namin sa hospital, agad kaming namangha sa laki nito. Hindi namin inasahan na ganito pala ang hospital nina Miguel. Parang isang hotel sa laki at luwag nito!
"Grabe, ka-bongga naman ng hospital na 'to, girl! Ganito pala sa Manila? Sobrang lawak!" sambit ni Riley habang naglalakad kami.
Maging ako, namangha rin. Ilang taon na rin mula nung huli akong pumasok dito, at nung time na 'yun, hospital lang talaga siya. Wala pang ganitong laki. Kaya sobrang nakakabilib na ang pamilya ni Miguel pala ang nagpapatakbo ng hospital na 'to.
Habang naglalakad kami, tumawag si Miguel kay Jeric at sinabi na nasa ICU na daw si Mama at tinitignan na ng mga doctor. Gagawin nila ang lahat, at pag nagising na si Mama, magsasagawa sila ng ilang test para makumpirma kung tama nga ang hinala ni Miguel na may aneurysm si Mama.
Hanggang sa wakas, narating din namin ang room namin. Tinour kami ni Jeric, at pagkatapos, agad siyang umalis dahil kailangan na siya ni Miguel. Nagpasalamat kami kay Jeric bago siya umalis.
At grabe, itong pag-stay-an namin, tinatawag na deluxe room. Right from the word "deluxe" or luxurious, isa itong VIP room. Malaki siya, may bedroom, living area, kitchen, at magandang bathroom.
"Wala na akong masabi," sambit ko sa sarili ko. Bukod sa malawak, malinis, at mabango, hindi rin basta-basta ang mga gamit dito. Halos pumantay ang mga kagamitan dito sa mga luxury hotels.
Merong TV, aircon, maayos na CR, hapag-kainan, kusina—grabe, hindi ko talaga feel na nasa hospital ako. Tuwang-tuwa ang mga bata at nakuha pang maghabulan sa loob.
Tinesting nila ang mga sofa, at komportable sila nang nakaupo sina Ate Lucy at Faith habang nanonood ng TV.
Samantala, habang nag-iikot ako, nakita ko ang bestfriend kong seryosong pinagmamasdan ang malaking oven toaster. Kaya naisip kong gulatin siya.
"Hoy, girl! Ano bang hinahanap mo d'yan?!" pagkagulat ko kay Riley. Natawa ako nang makita ang reaksyon niya.
"Ay, puk* mo! Bwiset! Kaloka ka naman, girl," inis niyang sabi.
"Seryosong-seryoso ka kasi d'yan, eh. Ano ba'ng tinitingnan mo d'yan?" tanong ko, nakikisilip din dahil naging curious din ako.
"Wala naman, ang laki kasi nitong oven, girl. Naisip ko lang kung... kaya din kaya nitong painitin ang mga nanlamig na relasyon?" At napahawak nalang ako sa ulo ko.
"Oh my God, akala ko pa man din may seryoso siyang sasabihin. Huhugot lang pala ang beshy ko. Nakakaloka!"
"Kaloka ka naman, sis. Akala ko kung ano na yan iniisip mo d'yan. Akala ko namomroblema ka kung paano 'yan gagamitin. O kaya naman kung ano'ng naisip mong i-bake d'yan. Kaloka ka, huhugot ka lang pala. Tsaka teka, bakit ba ganyan ang hugot mo? Bakit kayo na ba ni Jeric? Yiehh!!" sabay kurot ko sa bewang niya, inaasar siya.
"Gaga ka! Eme-eme lang naman 'yun. I am so single, sis, at walang namamagitan sa amin ni Jeric. Jusko, day."
"Mamatey??" patuloy kong pang-aasar.
"Ay, sus! Yan na naman tayo. Oo, girl, kaloka ka. Single na single ang sissy mo. Bakit ba hindi ka maniwala?" seryoso niyang sabi, pero agad ding napangiti.
"Ohh, eh ano 'yang ngiting yan? Sabihin mo na kasi anong real score sa inyo?"
Pero hindi siya sumagot agad, kunwari naglilinis-linis ng lababo namin.
"Hoy, girl, ano na? Tigil mo nga 'yang linis-linis mo. Eme ka din, eh. Dali na, ikaw nga, sinabi ko lahat sayo ng naging past namin ni 'M!' Hmp! Sige ka, pag hindi mo sinabi sa akin ang real score sa inyo, iwiwish kong mapanot ka tapos never nang tumubo ang buhok mo. Sige!" pananakot ko sa kanya, at bigla siyang napahinto sa ginagawa niya.
"Shuta ka naman, sissy. Bat 'yung hairlalu ko pa ang pinagdiskitahan mo? Sige na nga, tsaka ano ba?! Walang namamagitan samin, okay? Siguro, close friends, ganun. Basta ang alam ko lang, hinahangaan ko siya kasi mabait, tapos pogi, hot." Sabay isang matamis na ngiti mula sa bestfriend ko.
Actually, kaya ko lang naman gustong malaman ang tungkol sa kanila ni Jeric ay dahil, syempre, as a bestfriend, ayaw ko naman mag-lihiman kami. Kaya piga kung piga, kasi syempre, tatanga-tanga pa naman 'yan pagdating sa pag-ibig. Kaya at least kapag nabuntis siya, alam ko kung sino ang hahabulin—Char!
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Matapos ma-examine ng mga doktor sa ICU ang kalagayan ni Tita Emma, agad na inirekomenda sa kanya ang CT scan. Lahat kami'y umaasa na hindi pa ruptured ang aneurysm niya, dahil kung sakali, kailangan namin agad magsagawa ng operasyon, kahit na comatose siya. Ayaw namin mangyari iyon, dahil magiging delikado kung sakaling magising siya sa gitna ng operasyon. Kaya’t lahat kami’y nananalangin na hindi ito umabot sa ganitong punto.
Pinaubaya ko na sa doktor ko ang pag-CT scan kay Tita. Inabisuhan ko naman sina Monica tungkol sa mga maaaring mangyari. As expected, they got emotional about it, pero binigyan ko pa rin sila ng pag-asa. Gaya ng sinabi ko sa kanila, hindi naman lahat ng pasyente na may ganitong karamdaman ay hindi nagsusurvive. Marami pa rin ang nakakayanan at nakakapamuhay ng normal matapos magkaroon ng ganitong sakit.
Ilang oras ang lumipas, at lumabas na ang resulta ng CT scan...
"Here, hawak ko na yung result." Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang kaba. I composed myself—ayoko silang panghinaan ng loob. Kailangan nilang makita na kalmado ako para hindi sila matakot.
“Confirmed na may aneurysm si Tita Emma, but thank God, unruptured ito.” Nakangiti akong nagpatuloy, at parang biglang bumaha ng emosyon sa loob ng silid. Lahat sila, halos hindi maipinta ang mga mukha habang sabay-sabay na nag-iyakan at nagyakapan.
“Salamat po, Doc. Pero paano po yun? May chance pa rin ba na pumutok ito?” tanong ni Riley habang pinapahid ang mga luha niya.
“Yeah, there’s still a chance,” sagot ko, nananatili pa ring mahinahon. “Pero ang gagawin natin, pagkatapos magising ni Tita, magsasagawa kami ng operasyon. Sa tulong ng operasyong ito, babawasan natin ang posibilidad na pumutok ang aneurysm.”
Pagkatapos kong magbigay ng paliwanag, agad nila akong niyakap nang sabay-sabay.
“Salamat po, Doc. Gawin niyo po ang lahat para sa Mama namin,” sabi ni Faith, nanginginig pa ang boses sa emosyon.
Habang nagpapaliwanag ako sa kanila, hindi ko maiwasang mapansin si Monica. Tahimik siyang nakaupo sa isang gilid, yakap-yakap ang litrato ni Tita kasama ang kanyang mga anak. Umiiyak siya, ngunit pilit na pinipigil ang mga hikbi niya para hindi masyadong marinig ng mga bata.
Napatingin ako kay Monica at sa kanyang mga anak. They inspire me to give my all. I know how much Tita Emma means to their family, at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mabigyan sila ng mas mahabang panahon kasama siya.
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanila. May iba pa akong pasyenteng kailangang asikasuhin, pero tumatak sa isip ko ang determinasyon ko para kay Tita Emma.
Walang dapat sumuko. Hindi ako papayag na mawalan sila ng pag-asa.
----
Kinabukasan...
Kumpirmado! Rylie is bisexual.
Siya mismo ang umamin sa amin ni Jeric nang magpunta siya sa office ko nitong umaga. Well, wala namang problema sa amin, kahit anong s****l preference pa niya—ang importante sa amin ay ang pagkakaibigan namin. Matapos ko siyang kausapin noong Medical Mission, doon na nagsimula ang aming magandang samahan hanggang sa naging magkaibigan kami. Sinabihan ko siya na ilihim ang pagiging malapit namin kay Monica, dahil ayaw ko na magkaproblema sila. Alam ko kasi na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tanggap ni Monica at may galit pa siya sa akin.
Sobrang laking tulong sa akin ni Rylie dahil siya ang tumulong sa amin para malaman ang lokasyon ng tinitirhan nila. Dahil doon, naisasama namin sa hospital ang mga anak ni Monica at ang yaya nito. Alam kong malulungkot si Monica kung hindi namin sila maisama, kaya't talagang pinilit ko na matulungan siya.
At hindi nga ako nagkamali dahil tuwing bumibisita ako sa kwarto nila, palagi ko silang nakikitang magkakasama, naglalaro at nagkekwento. Kay Rylie din ako palihim na nagtatanong kung maayos ba ang kalagayan nila sa kwarto. Sabi niya ayos naman daw, pero yun nga lang, hindi pa rin naging maayos ang tulog nila dahil sa pag-aalala kay Tita. Kaya't ginagawa namin ang lahat ng paraan para mapabilis ang paggising ni Tita at agad siyang makarecover mula sa operasyon.
"Maraming salamat, Rylie. Dahil hindi ka nagdalawang isip na pagkatiwalaan kami. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang itinulong mo sa amin. Pero sana, manatiling lihim ang sinabi namin sa'yo tungkol sa DNA test ng mga bata. Dahil bagamat sabi mo nga na wala namang naging kasintahan si Monica sa limang taon, mas mabuti pa rin kasi kung may ebidensya tayo. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa'yo," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Wala pong anuman, Dr. Lorenzo Miguel."
"Masyadong pormal, Miguel na lang."
At nang matapos ang usapan namin, lumabas na siya ng office ko.
Dahil inihatid ni Rylie ang kapiraso ng buhok ng kambal para sa DNA testing. Nauna na ang saliva test nila, at ito na lang na buhok ang kulang para mas tumibay pa ang ebidensya. Agad ko namang iniutos kay Jeric na dalhin ito kay Dr. Galvez.
----
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Kakatapos lang namin bisitahin si Mama kasama si Faith at Ate Lucy. Pabalik na kami sa room namin, at grabe talaga—naghabulan pa itong mga bata sa hallway. Enjoy na enjoy sila dito dahil first time nilang makapunta sa ganitong klaseng lugar na parang mall sa sobrang luwag at linis.
"Addison!" sigaw ko nang mapansin kong medyo napapalayo na sila sa amin. Agad namin silang hinabol ni Ate Lucy.
Jusko, eto na nga ba ang sinasabi ko! Napabunggo si Addison sa isang matandang lalaki. At sa ayos nito, mukha siyang mayaman—ang ganda ng tindig, at may kasama pang apat na bodyguards na nakapalibot sa kanya. Kaya agad akong humingi ng paumanhin.
"Naku, pasensya na po, sir. Bigla na lang po kasing bumitaw itong anak ko," nakayuko kong sabi habang hinihila pabalik si Addison.
"Oh, anak mo pala itong napakapogi na batang ito?" nakangiti niyang sagot.
Nagulat ako sa reaksyon niya. Akala ko magagalit siya dahil sa pagka-sosyal ng itsura niya, pero laking gulat ko nang ngumiti pa siya. Siya pa mismo ang umalalay kay Addison para tumayo.
"O-opo, anak ko po," mahiya-hiya kong sagot.
"Ang cute ng anak mo. Alam mo, naalala ko yung nag-iisa kong anak sa kanya. Ganyan na ganyan din ang hitsura—lalo na ang mga mata, asul na asul. Nakakatuwa," nakangiti niyang sabi habang tila natutuwa sa anak ko.
Kitang-kita ko ang saya sa mata niya habang tinitignan si Addison. Parang gusto pa niyang lapitan lalo para mas makita ang mga mata nito. Nang mapansin niyang parang kinakabahan ako, ngumiti siya muli at nagpaalam na.
"Paalam, pogi," sabi niya kay Addison, sabay kaway.
"Salamat po, sir. Mag-iingat po kayo," nakangiti kong tugon.
Pagkaalis nila, sobra akong nakahinga nang maluwag. Jusko, kinabahan talaga ako nung una. Sa itsura at postura ni Sir, parang tipong kayang-kaya niyang paalisin kami rito sa hospital kung gugustuhin niya. Siguro politician? O kaya isang napakayamang businessman? OMG! Pero sa kabila ng lahat, ang bait niya. Hay, salamat!
Pagkatapos ng eksena, sinabihan ko ang mga bata na maghinay-hinay sa kakalaro sa hallway. Humingi naman sila ng sorry, kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad pabalik sa room.
Hanggang sa bigla naming makasalubong si Riley.
"Oh, girl! Saan ka galing? Talagang nag-elevator ka pa, ha? Anong ganap?" tanong ko nang makita siyang parang gulat na gulat.
"Ha? Andyan pala kayo? Hehehe," sagot niya, medyo nanginginig pa at hinihingal. "Wala, girl. May tinignan lang ako sa taas. Eh kayo? Saan kayo papunta?"
Matagal na kaming magkaibigan ni Riley, kaya kabisado ko na kung nagsisinungaling siya. Kaya inulit ko ang tanong ko habang tumatawa.
"Kaloka ka, ba't hindi naniniwala ang beshy ko? Sa taas nga ako galing. Alam mo na, explore-explore ang lola mo. Ang ganda nga dun eh—may magandang view, at syempre, dami ding boylets!" sagot niya, sabay acting na parang nagpa-fan girl.
Napailing na lang ako. Ayoko na din pahabain ang usapan dahil nakarating na kami sa room namin.
----
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Lumipas ang ilang oras, and it was already 6:00 PM. Tapos na ako sa duty ko, kaya nagpapahinga na lang ako sa office. Pero habang nagrerelax, bigla akong nakaramdam ng gutom. Naisip ko, Why not magluto? Kaya nagpabili ako ng mga sangkap kay Jeric para makapagluto ng sinigang.
"Sir, aba! Ngayon ko lang ulit nakita si Kassie na ginagamit mo ah. Mukhang inspired ka ngayon, ha?" biro ni Jeric habang inilalapag ang mga pinamili.
Si "Kassie" na tinutukoy ni Jeric ay walang iba kundi ang paborito kong magic kaserola. Ang huling gamit ko nito ay noong birthday ni Mommy, ilang buwan na ang nakalipas. Nag-request kasi siya ng sinigang, at halos lahat ng pamilya ay favorite ang version ko. Pero sa totoo lang, wala namang espesyal sa niluluto ko. Lagi kong binibiro sila na si Kassie mismo ang nagpapasarap ng pagkain. Simula kolehiyo, siya na ang kasama ko sa mga midnight cravings—mula sa simpleng noodles hanggang sa bonggang sinigang na ito.
Habang sinisimulan ko nang ayusin ang mga sangkap, bigla akong may narinig na papalapit.
"Wow! Nagluluto ang anak ko?"
Nagulat ako nang makita si Daddy na nakatayo sa likod ko. Nilapitan niya pa ako at hinipo pa ang noo ko.
"Dad, ano ba? Wala akong lagnat!" natatawa kong sabi habang tinataboy ang kamay niya.
Ngumiti siya nang malaki, halatang natutuwa. "Mukhang may dahilan kung bakit nasa kusina ka ulit. So, anong meron?"
"Walang meron, Dad. Nagugutom lang talaga ako. Gusto ko ng sinigang," sagot ko, pilit na iniiba ang topic. Pero sa malayo, narinig ko ang tahimik na pagtawa ni Jeric.
"Hoy, Jeric! Umayos ka diyan. Mamaya mag-overthink si Daddy. Alam mo naman, mahilig 'yan maghinala."
Hindi nga ako nagkamali. Lumapit si Daddy kay Jeric at nagtanong, halatang curious.
"Hay nako, Dad. Wala talagang babae, okay? Nagutom lang ako kaya sinipag magluto."
Matapos ang ilang minuto, natapos ko rin ang sinigang at naghanda na kami ng hapunan.
"Eh ikaw, Dad? Anong meron at napadaan ka rito? At nasaan si Mommy?" tanong ko habang nagsasandok ng kanin.
"Hay naku, anak. Nasa birthday party ng amiga niya ang Mommy mo. Diba, nagsend siya ng picture sa'yo sa Messenger? Basahin mo kaya," sagot niya, sabay kibit-balikat.
Napangiti na lang ako. Alam kong may tampuhan ang dalawa. Never aalis si Mommy na hindi kasama si Daddy. Kaya sigurado akong kaya nandito siya ngayon ay para humingi ng tulong sa akin para magkabati sila. From doctor to peacemaker real quick.
"Aba, sakto pala itong niluto ko. Heto, Dad. Pang-peace offering mo kay Mommy. Tiyak magbabati na kayo." biro ko, sabay abot ng mangkok ng sinigang.
Ngumiti lang si Daddy. "Oo nga. Mukhang ito lang ang magpapalambot sa asawa ko."
Habang kumakain kami, ikinuwento niya ang isa pang dahilan ng pagpunta niya. Nabasa niya raw ang balita tungkol sa medical mission namin sa La Union. Tumawag daw si Mr. De Guzman sa kanya para humingi ng paumanhin at humiling na huwag nang makarating sa media ang nangyari.
"Anak, ano nga ba talaga ang nangyari doon?" tanong niya, halatang curious.
"Successful naman, Dad. Yun nga lang, nagka-problema sa victory party. Pero sa totoo lang, feeling ko hindi tunay na doctor yung anak nina Mr. and Mrs. De Guzman. Hindi ko naman sila hinuhusgahan, pero parang may mali sa kilos niya."
Napabuntong-hininga si Daddy. "Well, wala naman tayong ebidensya, anak. Pero kung totoo man, problema nila 'yun."
Ikukuwento pa sana niya ang kakilala niyang si Mrs. Olivia De Guzman, pero naputol iyon nang tumayo siya at magpaalam.
"Jeric, maaari bang ipagbalot mo ko nitong sinigang. Ito na ang pang-peace offering ko sa Asawa ko," sabi niya, sabay kindat.
Habang papalabas na siya ng opisina, bigla siyang huminto at bumalik.
"Teka, anak, may ikukuwento ako. Kanina may nakita akong bata dito sa hospital. Ang gwapo!" kwento niya habang ako naman ay abala sa paghigop ng sabaw.
"Kamukhang-kamukha mo!" dagdag niya.
At doon ko naibuga ang sabaw na iniinom ko.
"Ay! Susmaryosep ka, Lorenzo Miguel! Nabasa mo ako!" galit na galit si Daddy habang pinapagpag ang suit niya.
"Sorry, Dad! Nabigla lang ako," sagot ko habang tinutuyo ang damit niya gamit ang tissue.
Sa isip ko, malamang si Addison ang batang nakita niya. Mukhang nag-krus na pala ang landas nila. Mabuti na lang at wala si Mommy. Kung hindi, siguradong ipapahanap na niya agad ang buong pagkatao ni Monica at Addison.
"Hay nako. Hindi ko maalis sa isip ko yung bata na 'yun. Siguro kung magkakaanak ka, ganun na ganun din ang itsura," nakangiti niyang sabi.
Napangiti rin ako. "Malay mo, Dad. Balang araw," sagot ko, sabay kindat.
Tila lalong na-excite si Daddy. "Putng in! Totoo ba, anak?!"
Ngumiti lang ako at umiling. Pero bago pa siya magtanong ulit, nagpaalam na siyang uuwi, dala ang peace offering niya.
Habang umaalis siya, hindi ko maiwasang mapangiti. Talaga nga naman si Dad, sobrang saya kahit basa pa ang damit niya.
---