CHAPTER 26 – A BAD DAY? --- Matapos ang masayang bonding ng mag aama ay nauwi pa rin ito sa isang maemosyonal na tagpo nang magpaalam ang mga ito sa isa't isa. Tila napamahal na talaga ang mga anak nito kay Miguel at ganun rin si Miguel sa kanila kaya ganun na lang ang naging pamamaalam nila sa isa't isa. Matapos ang kaganapang iyon ay nagpatuloy sina Miguel at Monica sa kanilang mga gawain sa kanilang mga buhay at bagamat si Monica ay nananatili muna sa kanilang bahay ay may napagkukuhanan pa rin naman ito para sa kanilang gastusin sa araw araw dahil nakapagipon pa rin naman ito kahit na papaano. Si Miguel naman ay nagpatuloy sa kanyang tungkulin sa kanilang hospital. Tuwing weekends naman ay bumibisita ito kina Monica para makabonding ang mga ito. Hanggang sa lumipas ang halos dalaw

