CHAPTER 30 – THE INTIMIDATING GOVERNOR ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Paalis na sana ako nang gabing iyon nang biglang tawagin ako ni Jeric. May bisita raw ako—hindi lang basta-basta bisita, kundi ang kilalang bad boy governor ng lungsod, si Governor Clifford De Silva. Si Governor Clifford ay isang iconic na pangalan sa Maynila, nagsilbing pinuno sa loob ng ilang dekada. Kilala siya sa pagiging matapang at walang inuurungan. Maraming sindikato at high-profile drug dealers na ang nahuli niya at naipakulong. Sa edad na 68, hindi mo aakalain ang edad niya dahil sa tikas at tindig nito—isang 6’2 na lalaking puno ng awtoridad, kasama pa ang sampung higanteng bodyguards. Kaya’t gulat na gulat ako nang makaharap siya. Naramdaman ko ang pawis na tumutulo sa likod ko kahit tinodo ko na ang

