CHAPTER 14 – POWERPUFF
----
Sa wakas, ay bumalik na din ang alaala ni Emma kaya labis ang galak ng pamilya nito. Nanumbalik muli ang kanilang sigla at positibong makakayanan ng kanilang mahal na ina ang mga susunod pa nitong pagsubok.
Kaya balik normal na ang buhay nina Monica at nag iintay na lamang ito ng schedule ng magiging operasyon nito.
Samantala, tila nabuking nga ang kinakatago tagong sikreto ni Miguel nang malaman ng magulang nito ang tungkol sa kanyang anak sa pamamagitan ng DNA Testing. At gaya ng inaasahan ay sobrang ikinatuwa ito ng mga magulang ni Miguel.
Ngunit nababahala naman ito na baka maaaring madiskaril ang kanyang mga plano na muling makabawi at makuha muli ang loob ni Monica...
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Ahh, sht!*
Mukhang nasira lahat ng plano ko. Sa lahat pa talaga ng taong makakaalam, e yung makukulit ko pang mga magulang. Ilang oras na nga ang nakalipas simula nang malaman namin ang resulta, pero heto pa rin sila—hindi pa rin tumitigil sa kakakulit tungkol sa pagkakakilanlan ng mga bata at ni Monica.
“Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa amin ng Daddy mo? Napakadaya mo naman! Alam mong matagal na naming inintay ‘to ng ama mo, tapos pagdadamutan mo lang kami? Ay hala, tara na Rafael! Parang ikinakahiya na tayo ng anak mo!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Mama, sabay kunwaring tatayo para umalis.
Agad ko naman siyang pinigilan.
“Mom, hindi naman po sa ganun. Hindi ko po kayo pinagdadamutan—”
Biglang sumingit si Daddy. “Eh kung hindi ka pala nagdadamot, anong dahilan para itago mo sa amin ang pagkakakilanlan nila? Gusto rin naman naming makilala ang mga apo namin, lalo na’t triplets pala sila!”
Mula sa seryosong tono, napangiti silang dalawa nang mabanggit ang tungkol sa triplets. Napailing na lang ako.
“Pero Dad, medyo magulo pa kasi ngayon,” sagot ko, bumigat ang tono ng boses ko. “I mean, we’re not in good terms ng Mommy nila.”
Tumahimik sila saglit, pero alam kong hindi pa rin nila tatantanan ang paksa. Talagang naninindigan sila na makilala sina Monica at ang mga bata. Pilit ko namang pinapaintindi sa kanila na hayaan na muna ako sa sitwasyon namin ngayon, lalo na’t alam kong mabigat ang pinagdadaanan ni Monica. Pero—hindi talaga sila nakikinig.
“Oh, see? Not in good terms!” singit ni Mommy, sabay buntong-hininga. “Hay nako, anak, kung usapang diskartihan lang naman, ayan ang Daddy mo. Tanungin mo ‘yan kung ilang beses na ‘yang nagkaroon ng kasalanan sa akin. Pero kung hindi dahil sa mga diskarte niya, nako, baka matagal na kaming naghiwalay!”
Napangiti ako nang bahagya, pero natigilan din sa sinabi niya.
“Tama ang Mommy mo, anak,” sabi ni Daddy, sabay lagay ng braso sa balikat ni Mommy.
“Sabihin mo lang sa akin kung saan ka ba nabulilyaso ha? Nahuli ka bang tumingin sa mga babaeng naka-bikini? O baka naman, nahuli ka niyang nag-like ng sexy sa f*******:? O baka mas malala pa... nahuli ka niyang may babae? Hehehe.”
Napanganga ako sa mga pinagsasasabi niya. Si Mommy naman, agad siyang hinampas.
“Aray!” reklamo ni Daddy, hawak ang braso.
“Talagang mga kasalanan mo pa ‘yang mga ginawa mong halimbawa! At tuwang-tuwa ka pa!” bulyaw ni Mommy.
“Ay, Fracheska my love naman!” hirit ni Daddy, sabay hawak sa kamay ni Mommy. “Ayy, past is past na nga, diba? Tsaka halimbawa lang naman ‘yung binigay ko sa anak natin! Ikaw naman, ikaw lang ang love ko... zero-six, bente-tres, nineteen ninety-one!”
At talagang naglandian pa ang dalawa sa harapan ko. Hayy, Diyos ko. Parang lalo atang lalala ang sakit ng ulo ko sa dalawang ito.
Napailing na lang ako habang tinitingnan silang mag-asawa. Nakakatawa sila, pero totoo rin namang nakakainis. Siguro, ganito talaga sila kapag sobrang excited. Alam kong maiintindihan din nila ako sa bandang huli, pero sa ngayon, mukhang wala akong kawala sa drama at asaran nila.
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Pagkaalis ni Miguel, parang naging mas awkward ang lahat. Tahimik ang paligid, kahit pa may tugtog sa background. Mabuti na lang at nandiyan si Riley para basagin ang katahimikan.
“Oh, ba’t ang tahimik? Ang saya-saya ng tugtog ohh—‘I’m feeling lonely, Oh, I wish I’d find a lover that could hold me...’ Ayy teka, bakit nga ba ‘yan ang tugtog? Mailipat nga.”
Natawa ako nang konti habang nag-scroll siya sa playlist sa speaker.
“Oh, ayan! Eto nalang—‘Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday... Seven days a week!’ Oh, diba? Alam na alam ni Lucy ang kanta! Bale, anong underwear nga ‘yung nakalimutan mong dalhin?” nakangiting tanong ni Riley kay Ate Lucy.
Sobrang pulang-pula naman ni Ate Lucy sa sobrang hiya. “Ay hala! Si Riley naman oy! Malaman tuloy nila. Lunes po!”
Nagkatawanan kaming lahat sa sagot niyang iyon. Sa kabila ng bigat ng nararamdaman ko, kahit papaano, naibsan ito ng saglit. Pero sa likod ng tawa ko, hindi ko pa rin maalis sa isip ang mga sinabi ni Miguel.
“Bigyan mo naman ako ng pagkakataon, Monica,” ‘yun ang sabi niya. Pakinggan ko daw siya. Kilalanin siya.
Pero kailangan ko pa ba talaga ‘yon? Masaya naman na kami ng mga anak ko. Sa tingin ko, hindi na namin kailangan ng isang taong katulad niya...
Pero... tama ba 'tong iniisip ko?
Pagkatapos makatulog ni Mama, pumasok ako sa kwarto namin. Tahimik na natutulog ang mga anak ko sa kama, at naupo ako sa tabi nila. Pinagmasdan ko ang kanilang mga mukha, ang payapang mga hininga. Ang mga mata nila, ang hugis ng mukha...
Lalo akong kinurot ng tanong sa puso ko.
Mabuti ba akong ina sa kanila? Tama pa ba itong ginagawa ko? Dapat ko bang hayaan na lang silang hindi makilala ang daddy nila? Pero kung gagawin ko 'yun, hindi ba ako masyadong makasarili?
Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Mabilis ko itong pinunasan nang biglang pumasok si Riley sa kwarto.
“Oh, girl. Nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap, eh,” bulong niya, sabay lapit sa akin.
Kilalang-kilala na talaga ako ng kaibigan kong ‘to. Alam na niya kung may dinaramdam ako. Kaya gaya ng dati, nagyaya siyang magkape sa maliit na mesa malapit sa kwarto. Ganito ang routine namin tuwing may problema.
“O, ano, girl? Alam kong affected ka sa sinabi ni Miguel kanina. Actually, nag-aalala rin si Mama. Ayaw niya nga sanang ipaalam, pero ramdam daw niya na malaki ang naging epekto ng mga sinabi ni Dr. Miguel sa’yo. Sabi pa niya, malakas ang pakiramdam niya na si Miguel nga ang ama ng mga bata. Kaya hinihiling niyang magkaayos kayo.”
Hindi ko napigilan ang pagtulo ulit ng luha ko. Mas masakit pa palang malaman na naapektuhan din si Mama sa nangyayari sa akin.
Wala kasing ibang nakakaalam ng totoo tungkol sa ama ng mga bata maliban kay Riley. Kahit sina Mama, ang alam lang nila ay Miguel ang pangalan nito, pero hindi nila alam ang hitsura niya. Ngayon, habang lumalaki ang mga bata, mas halata na ang hawig nila kay Miguel—lalo na ang kulay ng mga mata nila. Napapansin na rin ito nina Faith at Ate Lucy, pero pilit ko itong binabalewala.
“Kaso, ang hirap kasi tanggapin na lang siya ulit,” umiiyak kong sabi kay Riley. “Natatakot ako. Natatakot ako para sa mga anak ko. Ayokong mapalayo sila sa akin.”
Umiling si Riley, hinawakan ang kamay ko.
“Girl, tatagan mo ang loob mo. Tsaka, haler? Mukha bang kikidnapin ni Miguel ang mga junakis mo? Kung ako tatanungin mo, mukhang gusto niyang bumawi. Siguro gusto niya, mabuo kayo—hindi lang ang mga bata ang habol niya, pati ikaw.”
Napataas ang kilay ko sa huling sinabi niya. “Kung maka-Miguel ka naman, sis, parang close na close kayo ah! First time kong marinig na kumampi ka sa iba.”
Muntik nang mabilaukan si Riley sa kape niya, kaya napatawa ako kahit papaano.
“Gaga! Jusko, muntik na akong ma-tegi gawa mo! Pero girl, iniisip ko lang naman ang kapakanan ng mga bata. Why not give Dr. Miguel a chance? Malay mo, this time mag-work na. Yiehhh!” tukso niya, sabay tawa.
Napairap na lang ako. “Hmp! Baliw ka talaga. Pero bahala na nga. Kung gusto niyang bumawi, eh di gawin niya. Pero dapat patunayan niya—baka naman puro salita lang siya. Hmp!”
Nagkatitigan kami, tapos natawa na lang siya ulit. Alam kong may punto si Riley, pero ayoko munang umasa. Saka na, kapag sigurado na akong totoo ang intensyon ni Miguel.
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Alas otso na ng gabi, at guess what? Andito pa rin sila—ang mga magulang ko na walang tigil sa pagtatalak. Pinakain ko na nga sila dito sa office para naman may lakas silang ituloy ang sermon nila sa akin.
Well, iniintindi ko na lang din sila. Halos isang dekada na rin silang nagpaparinig at namimilit na bigyan ko sila ng apo. Matagal na nilang hinintay ang pagkakataong ito, kaya kahit papaano ay naiintindihan ko ang excitement nila.
Pagkatapos ng dinner, bumalik na ako sa desk ko para mag-check ng emails.
Pero guess what? Tuloy pa rin sila.
“Pero bilib ako sa’yo, Miggy boy, ha! Paano mo nailihim sa amin ang ganito? I mean, may girlfriend ka na pala tapos ni hindi ka nagsabi? Alam mo bang nagpakabit kami ng CCTV sa buong bahay mo?” sabi ni Mommy, na tila hindi makapaniwala sa sinasabi niya.
Napatawa na lang ako. “Oh really? Eh hindi naman ako sa safe house nakatira, Mom. May sarili akong lugar,” sabi ko habang nakangiti. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Mommy.
Dahil noong college ako, binilhan nila ako ng malaking bahay bilang “safe house.” Ang sabi nila, para daw kung sakaling may babaeng magustuhan ako at dalhin ko sa bahay, hindi raw ako mapapahiya. At ang sabi pa nila, marami raw itong mga sulok na perfect para sa... alam mo na.
Ang hindi nila alam, bumili ako ng condo at doon talaga ako tumira. Para hindi mahalata, nag-hire ako ng doppelganger—si Kuya Armando, ang caretaker ng safe house. Binilhan ko siya ng wig, salamin, at mga damit na kamukha ng akin para magmukhang ako talaga.
Kaya gulat na gulat si Mommy nang malaman niya ang kalokohan ko.
“Oh my God, Rafael! Ano ba naman ’tong anak mo? Kaya pala ang laki ng pinagbago ni Armando, ikaw pala ang nagturo sa kanya ng kalokohan? Dios mio!” Napahawak pa si Mommy sa ulo niya habang napaupo.
At mas lalo pa akong natawa nang ikuwento ni Mommy na cinareer na pala ni Kuya Armando ang paggaya sa akin. Pati daw ilong ay pinaretoke, at nag-iiskincare na rin siya ngayon!
Hay naku, parang gusto ko tuloy siyang makita ulit. Siya pa rin kasi ang nag-aalaga sa safe house ko, pero matagal na rin akong hindi nakakabisita dahil mas malapit ang condo ko sa hospital.
Habang nagkukuwentuhan kami, nauwi na naman sa usapan tungkol kay Monica ang topic. -__-”
Hindi sila makapaniwala nang ikuwento ko ang nangyari sa amin.
“Talaga ba, Miggy boy? Isang gabi lang kayo nagkita tapos nawala na siya?!” halos pasigaw na tanong ni Daddy.
“Yes, Dad. Kaya nga po sana, hayaan niyo akong dumiskarte sa nanay ng mga anak ko. Marami po siyang pinagdadaanan ngayon, kaya baka matagalan pa bago ko sila maipakilala sa inyo. Tsaka nag-iingat din ako para hindi na maging komplikado ulit ang lahat. Sana naman, Mom and Dad, maintindihan niyo ako.” Malumanay kong paliwanag.
Tumahimik sila bigla. Halatang malalim ang iniisip nila. Siguro naman ngayon ay nauunawaan na nila ang sitwasyon ko. Sana sapat na ang paliwanag ko para tigilan na nila ako.
“Can you imagine that, Rafael, my love?” tanong ni Mommy sabay ngiting malagkit kay Daddy.
Napatingin din si Daddy at ngumiti rin ng pilyo, sabay sabi, “Bulls-eye!”
Napakunot ang noo ko. Ano bang kinalaman ng bulls-eye kina Monica?
“Anak, totoo ba ang narinig namin?” sabay lapit nilang dalawa sa table ko.
“Hindi ako makapaniwala na isang gabi lang? Alam mo ba kung gaano kami nahirapan ng Mommy mo na magkaanak? Halos lahat ng posisyon nasubukan na namin pero wala pa rin!” drama ni Daddy, akala mo tunay na umiiyak.
“Tama ang Daddy mo, anak. Pati pagkulong namin sa kwarto ng ilang araw, nasubukan na rin namin, pero wala pa rin talaga. Akala ko nga baog kami hanggang sa...” biglang pinigilan ni Daddy si Mommy.
“Shh! My love, talagang sasabihin mo pa sa anak natin ang matagal nating tinatago? Nakakahiya naman!”
“Hindi, Rafael. Kailangan niyang malaman para maintindihan niya kung gaano ka natin pinaghirapan. Anak, please lang, huwag mo kaming itakwil ng Daddy mo...” sabay hawak ni Mommy sa kamay ko.
Sh*t, parang ayoko na yatang marinig ang sasabihin nila. Pero wala akong choice.
“Ganito kasi ’yan, anak. Halos nawawalan na kami ng pag-asa ng Mommy mo na magkaanak. Nagpakonsulta kami sa doktor, pero sabi naman niya ay walang problema sa mga semilya namin. Ang sabi lang, baka kulang daw kami sa ‘exploration.’
Isang araw, habang papunta kami sa hotel, nagmamaneho ako at parehas kaming nag-iinit ng Mommy mo...”
---
Flashback...
---
RAFAEL SAMANIEGO POV
“Mmwuah! Mmwuah! Ano? Dito na lang tayo, my love?” bulong ko kay Francheska habang abala naman siya sa pagromansa sa aking ibaba.
Nasa gitna pa kami ng kalsada, kaya dali-dali kong itinabi ang sasakyan. Mahirap na, baka may makakita pa sa amin o, worse, mahuli kami. Napatingin ako sa paligid at napansin kong may palayan sa tabi ng daan. Mukhang safe dito.
“Mmm! Mmmm!” ungol ni Francheska, sabay abot sa batok ko para lalong paglapitin ang aming mga labi.
Naalala ko tuloy ang sinabi ng doctor namin. Kailangan daw relax ang katawan kapag nagtatalik, para mas effective sa aming fertility journey. Pero dahil sa masikip na espasyo ng sasakyan, napagdesisyunan kong mag-isip ng mas creative na paraan.
“Love, parang hindi ito tama... masikip dito eh,” sabi ko habang nakatingin sa paligid.
“Tama ka. Pero anong gagawin natin? Wala naman kahit isang bahay dito.”
Pareho kaming natigilan. Maya-maya pa, sabay naming naisip ang isang... interesting na ideya.
“Tanda mo yung sabi ni Doc? Kailangan daw may konting adventure, di ba?” tanong ni Francheska, may ngiti sa kanyang mga labi.
Napangiti na rin ako. “Tama ka, love.”
Agad naming sinuot ulit ang mga damit at lumabas ng sasakyan.
“Dali, dali! Sundan mo ako!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa gitna ng palayan.
At doon, sa ilalim ng kalangitan, sa gitna ng palayan, naging saksi ang tunog ng mga ibon, huni ng mga palaka, at tilaok ng mga kalabaw sa isang kakaibang tagpo sa aming buhay mag-asawa.
End of Flashback...
“So meaning to say, Dad...” halos hindi ko maipinta ang mukha ko habang iniintindi ang kwento ni Dad.
“Sa palayan... sa palayan ako ginawa?” tanong ko, sabay iling sa sobrang weird ng revelation.
Sakto namang biglang pumasok si Jeric, ang assistant ko, at mukhang nakikinig pala siya sa kwentuhan.
“Ohh, sa palayan pala si Sir ginawa? Kaya naman pala ganyan ka-pogi! Gawa sa putik, dahon, palay... Grabe po kayo, parang kayo ang gumawa ng Powerpuff Girls—sugar, spice, and everything nice!”
Napatingin ako kay Jeric, iniisip kung seryoso ba siya o trip niya lang talaga akong asarin.
“Jeric! Tumigil-tigil ka dyan sa kaka-Powerpuff mo. IKUHA MO AKO NG BIOGESIC!!!” sigaw ko, sabay facepalm habang naririnig ko ang tawa ng mga magulang ko sa likod.
Hay, ang hirap talaga minsan kapag ang pamilya mo ay natural na comedians.
---