CHAPTER 32 – DREAM DESTINATION --- Isang malaking balita ang gumulat kina Monica at Miguel nang marinig nila ang tungkol sa biglaang pagtakas ng isang psychopath na si Dr. Blaire De Guzman. Dahil dito, agad silang nag-alala at pinataas ang kanilang mga antas ng seguridad, dahil hindi pa rin matukoy kung saan nagtago ang tusong doktor. At hindi lang iyon ang naging masamang balita. Kasunod na nadiskubre ang tungkol sa mga magulang ni Blaire, sina Olivia at Benjamin De Guzman, na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot nila sa isang malawakang pang iiscam laban sa ilang mga negosyanteng nakasalamuha nila sa isang casino. Sa kasalukuyan, nagtatago ang mag-asawa at hinahanap na ng kapulisan. --- Samantala, isang taon na ang nakalipas mula nang sagutin ni Monica

