Pagkapasok namin sa kwarto niya ay namangha ako sa ganda. Panglalake nga 'to. Ang bango pa. Amoy ni Kerzen my hubs.
Agad akong dumapa sa kama dahil pagod ang bida. Pero si Kerzen agad akong tinulak at ang ending ay nahulog ako sa sahig. Ang bad talaga niya?
"Take a shower first. Ang baho mo."Sabi niya. Inamoy ko ang sarili ko. Ang bango ko kaya. Masyado lang talagang maarte ang nilalang na 'to?
"Ang arte. E dalawang linggo kanang walang ligo. Tsk!"Singhal ko. At pumasok na ako sa bathroom niya. Nakaka-inis din minsan ang asawa kong ubod ng bango. Naliligo yata 'yon nang pabango. Ang bango e.
Ang laki ng banyo niya as in. Kumpleto sa kagamitan kaso panlalake lang, pero i don't care. Ayyie! Pag ginamit ko gamit ni Kerzen pareho na kami ng amoy.
Mabilis akong nag hubad at naligo na nga. Ginamit ko ang shampoo, sabon, pang-kuskos niya sa abs niya. Pero bago ko ginamit inamoy ko muna.
Ang bango talaga, nakaka-wet. Tengene! Busog na busog ako. Ang bango!
Dahan-dahan kung pinaghilod sa katawan ko. Ayyie! Magka-amoy na kami nito. Kung dala kulang phone ko edi sana nag picture na ako. Tapos lagyan kunang caption na.
'Kerzen's bathroom'
Tapos maraming maiinggit na mga palaka sa school. Tapos malalaman ni Kerzen isampal niya sa 'kin ang annulment paper at sabihing....
'Just fvcking sign this annulment papers and were done. Quinzel Aphrodite Alvarez.'
Wag na nga pala, hehe. Maliligo nalang ako at pagpapantasyahan siya.
Nang matapos na ako'y napa-singhap ako ng wala pala akong dalang damit. Tuwalya lang ni Kerzen ang nandito. Kinuha ko 'yon at mabilis na inamoy. Baka magka-amnesia ako sa bango ng mga gamit ni Kerzen dito?
Pero isipin ko palang na nasa labas ng banyong 'to si Kerzen at makikita niya akong naka-tapis lang nang tuwalya ay namumula ako. s**t! Nakaka-hiya.
Baka gahasahin ako ng asawa ko pag makita niya ang katawang lupa ko.
Pero no choice. Ayokong mamatay dito na virgin no.
Paglabas ko'y naka-tingin si Kerzen sa 'kin. Naka-kunot ang noo. s**t! Hindi ba tumatalab ang ka sexy-an ko sa asawa ko? E hindi sa pagmamayabang. Sexy akong babae.
Naglakad ako sa harap niya. Kembot doon...kembot dito. Malaki naman butt ko. Tigasan ka Kerzen. Hehe! Nag devil laugh pa ako.
Hindi naman sa malandi ako guys. Pero pag si Crush ang nasa harap lumalandi talaga ako ng konte. Konte lang.
"Mag bihis ka nga, akala mo naman may pinagmamalaki ka sa katawan?"Sabi niya. What?! Wa epek ang body ko sa 'kanya? Anong klaseng nilalang siya? Alien?
Nag-bihis na ako kasi feeling ko napahiya ako sa sinabi niya. Wala daw akong may ipagmalaki sa katawan. s**t! May araw karin sa 'kin Kerzen.
Lumabas si Kerzen kaya sumunod ako. Gutom na ako mga bes! Malalim na kaya ang gabi tapos hindi pa ako nag didinner.
Bumaba ako, nanuot sa ilong ko ang bango nang pagkain na nanggaling sa kusina. Kaya dahil baboy ako sa pagkain. Dumeretso ako sa kusina.
Laglag panga ako mga bes! Nagluluto ang asawa ko. Tanging apron lang ang suot sa itaas. s**t na malagkit! Ang sarap ng ulam.
Kagat labi akong pinagmasdan ang asawa kong kanina pa paubos dahil sa isip ko kanina ko pa siya nilalantakan. Ang sarap!
"Done eye raping me?" Tanong niya. Napatda ako at namula.
"Sus! Pelingero. Wala ka naman maipag-malaki sa body e." Singhal ko.
Humarap siya sa 'kin sabay tanggal ng apron.
"TINAPAY!!"
WHAT!! Pahamak talaga bibig ko. Sarap pakainin nang sangka terbang sili minsan ang bibig ko.
"Wala pala e?" Naka-ngising sabi niya. Bwesit! Lumabas siya at naiwan akong naka-nganga.
Hindi ba uso sa 'kanya ang mag damit dito sa teretoryo niya? Kita na nga ang abs niya. Sumunod ako. Umupo na siya sa hapagkainan. At kinuha naman ng mga katulong ang mga niluto niya.
Marunong pala siyang mag luto? Nang tikman ko ang mga niluto ay halos mapapamura ako.
Hindi lang ang nagluto ang masarap, pati ang niluto niya.
Nang matapos na kaming kumain ay dumiretso ako sa kwarto namin. Akala niya mauunahan niya ako? Baka sa sahig nga ako matulog pag siya ang nauna hehe. Mautak kaya ako!
"I said sa sahig ka?" He said. Naka-tayo siya sa harap ko.
"Ang sama mo, asawa mo ako e."
"Sa papel. Wag kang pilingera!" sagot niya. Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Ang sakit! Ang hard naman.
"Okay, tsk!" Dahil nasaktan ako ay tumayo ako. At lumipat sa sahig, pagnasasaktan ako hindi ako kumokontra.
Dapat pala nagdala ako ng kumot o unan? Tsk! Madamot mga pipol dito.
--
I suddenly open my eyes as I felt the sun rays on my face. Kumunot ang noo ko at binuksan ang sariling mata. Dumako ang tingin ko sa labas ng veranda netong kwarto.
Pinikit ko ang ulit ang mata ko at gumulong patalikod. I want to sleep again and feel the softness of my bed. Napabalikwas ako at napabangon nang maalalang sa sahig ako natulog kagabi. Pa'nong napunta na ako dito? Parang kiniliti ang puso ko, binuhat niya ako dito? Kikiligin na ba ako?
Mabilis akong bumangon at binuksan ang sliding door ng veranda at lumabas roon.
I felt satisfied nang malanghap ang malinis na simoy ng hangin. Nakangiti akong nakatingin sa malawak na kapatagan.
Ahh too much beautiful scenery, but I like it.So much.
How I wish ganito ang bubungad sakin araw-araw.
Bumaba ako upang hanapin si Kerzen. Nadatnan ko ang mga katulong na nagkukumpulan sa isang pintuhan at tila may sinisilip sila.
"Ahemm!"
Nagulat sila nang makita ako. Mabilis silang umalis sa harap ko. Tsk! Ano kaya tinitingnan nila sa loob.
Pagtingin ko sa loob ng kwarto ay napanganga ako. Isang greek god na ginagawa ang ritual niya tuwing umaga. Ang mag exercise.
Wala 'tong damit pang-itaas. Tanging pants lang ang suot. Nag-uumigting ang abs. Habang tumutulo ang pawis. God!
Bigla ko tuloy naaalala ang napanood kung 'Fifty shades darker' Yung nag eexercise si Mr. Grey! Ang hot niya doon hihi. Ganun ang ginagawa ni Kerzen ngayon. s**t!
Kung ganito ba naman ang masilayan mo sa umaga ay talagang buong-buo na ang araw mo. Makakakita kanang hot na lalake plus asawa mo pa. Na ubod ng ka-hot-an sa katawan. Para akong tangang naka-masid lang sa 'kanya. Kagat labi pa ako. Taena!
Nang matapos na siya ay tiningnan niya ako. Hinihingal pa siya.
"Gutom ka na ba?" Tanong niya habang nagpupunas ng pawis.
"O-oo. G-gutom na gutom." Wala sa sariling sabi ko habang naka-tingin sa abs niya. s**t! Nagutom talaga ako.
"Halata nga e." Sagot niya.
"Kakainin ko na ba?"
"What?!"
"Nothing!"
"MERON! KAKAININ MO YATA AKO E?"
"Anong klaseng tainga meron ka? Poge ka sana kaso bingi nga lang," sabi ko.shit magkakasala ako dahil sa kaka-lie ko sa 'kanya. Lord sorry po.
"I heard it!" he said while smirking. s**t! Sarap punitin bunganga. Sarap punitin gamit bibig ko.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko at nag-walk out sa harap niya. see? Gano'n siya pag-good mood. Palage akong binu-bully. Ano ako nerd. Nerd na pinagpapantasyahan si Kerzen? Hollyshit! Kung ganun kasi makita mo sa umaga. Tingnan nalang natin kung magugutom ka pa. Ngayon palang busog na busog ako. Pero dahil bitin ako dahil nahuli akong naka-nganga sa prinsipe. Gutom ako hehe.
Shit na malapot pulang-pula pala ako? Tapos hindi pa pala ako nakakapag- toothbrush. Dobleng hollyshit! Baka naamoy niya bunganga ko?
Patakbo akong umaykat nang maka-salubong ko siya sa hagdan. Back to masungit mood nanaman siya. 'Di ako pinansin deretso lang siya sa pagbaba.
Mas gusto ko nga 'yon e, baka pagtawanan nanaman niya ako dahil sa pagiging tanga ko sa buhay. Aminado akong clingy akong babae, at isama nadin natin na malandi akong nilalang pero kay Kerzen lang 'yon.
Ang hirap mag move on sa nakita ko kanina. Bakit kasi ang hot ni Kerzen. 'Di na tuloy virgin mata ko.
Lutang na lutang ako, binilisan ko ang pag-akyat dahil may pasok papala ako. Baka ma-late ako pagalitan nanaman ako ni prof namin.
Ang sungit kaya nang prof na 'yon. Palibhasa matandang dalaga na 'di pa nadiligan. Kaya naiinis sa kagandahan ko. Ako lage dinidiskitahan. Keso puro pasikat daw ako, puro kaartihan. Alam ko naman na may tinatagong landi si prof sa katawan. Anong akala niya sa 'kin walang mata na dalawa? Nakita ko kayang may kasamang siyang prof din. Kilig na kilig pa ang gurang. Pero malapit na din siyang madiligan. Lol! Sana oil.
NANG MATAPOS na ako'y bumaba na. May naghihintay na pagkain sa baba. Puro masasarap, isama mo na ang asawa kong mabangis na hot.
Pagka-baba ko'y nakita ko siyang naka-kunot ang noo at halatang naiinis dahil sa sobrang tagal ko mag ayos. Kaya paniguradong panis na ang mga pagkain dahil sa tagal ko.
Nagmadali na akong bumaba baka itapon niya sa 'kin ang hawak niyang news paper. Mukha pa naman na masakit 'yon pag sa noo ko tumama.
Nang nasa baba na ako'y tinapunan niya ako ng masamang tingin. Ginawa ko ay nginitian siya ng mala aso. Iniripan lang ako ng lalake at nagsimula nang kumain.
Nang matapos kaming kumain ay tinitigan ko siya. Haist! Mamimiss ko talaga asawa kong 'to! Tsk! Titigil na kaya ako sa pag aral? Haist! Hindi magandang isipin 'yon Zel.
"Stop staring me."Masungit niyang sabi at inirapan nanaman ako.
"Pasok na ako."Sabi ko, tumayo ako at lumapit sa 'kanya. Gusto ko siyang halikan sa pisngi. Hihi! Goodbye kiss.
"What?!"Masungit niyang tanong habang nasa news paper at mga paningin. Tsk! Sarap punitin ang news paper na 'yan. Masyado naman swerte ang news paper na 'yan? Pupunitin ko 'yan mamaya pag uwe ko.
Nginitian ko siya bago ko siya hinalikan sa pisngi tapos mabilis na akong lumabas. Yes! Yes! Nagawa ko.
"Ang bango nang pisngi niya. s**t! Kinikilig ka nanaman Zel! Kyahhh!!" Tili ko nang maka-labas na ako. Kinikilig ako s**t!
Mabilis akong pumasok sa kotse ko, kumpleto na ang araw ko. Wag sana masira ang araw ko sa school. Baka masira ko pagmumukha nang kung sino man sisira sa araw ko ngayon.
Pagka-dating ko sa university ay masaya akong naglalakad. Wag sana mapunit bunganga ko. Okay lang mapunit ang hymen ko wag lang bibig ko.
Sarap mag-mura ngayon. Sarap din supalpalin yung mga inggitera. Isampal sa pagmumukha nila na ako ang panalo hehe. Na nahalikan ko pisngi ni Kerzen. Ayyeut! Ayyeut tayo Kerzen. Ready na ready ako. RAWR!
"Hi Quinzel!" Bati ni Ivo sa 'kin. Siya ang sikat sa university. Well ang gwapo kasi niya sobra. Kaso 'di ko siya type. Si Kerzen ang gusto ko.
"Hello, Ivo."Sagot ko, ngumiti siya nang matamis. Kung iba lang nginitian niya edi sana kanina pa nalaglag panty niya. Iba kasi ngumiti ang isang 'to, nakaka-tunaw ang mga mata niya. Sobrang nakaka-akit ang mga labi niya. Pero sorry nalang hehe! Hindi niya ako mabibingwit sa mga pangiti-ngiti niyang 'yan.
May asawa na ako, si Kerzen 'yon.
"How are you?"Tanong niya. Tiningnan ko siya.
"Okay lang ako, Ivo kung may natitira ka pang awa sa 'kin pwede bang layuan mo ako?"Tanong ko, isa pang sakit sa ulo. Dikit nang dikit si Ivo sa 'kin kaya madalas akong tinitira nang mga fans niya dito. Ako ang kawawa hindi siya. At pangalawa pa ang mga ex's niya. Dinadamay ako sa kalandihan nila.
Napasimangot siya."Sorry, Quinzel. Sinasaktan kaba nila Rafaela?"Tanong niya.
"Yes, at pwede bang paki sabi sa kanila na hindi kita nilalandi. Konte nalang talaga tatanggalan ko nang nguso ang mga kasintahan mo. Sakit nila sa bangs." Sabi ko, tumawa ang gago.
"Kaya gusto kita e. Kasi iba ka sa 'kanila. You're different from them."He said while smiling.
"Kaya iba ako sa 'kanila kasi--"
"Kasi dyosa ka, wala kang korete sa mukha. Tapos medyo baliw ka." Patuloy niya. Tumawa nalang ako.
"I thought nasa room kana. Nandito ka lang pala may kausap."
Shit! s**t!
Mabilis akong humarap nakita ko siyang naka-pamulsa at walang imosyon ang mukha.
"Kerzen."
"What?!"
"B-bakit ka nandito?"Tanong ko. Inirapan niya ako."Ivo, alis na."Sabi ko at tinulak si Ivo nang bahagya.
"Okay. Magkita tayo mamaya okay. Sabay tayong kumain." Sabi ni Ivo at tumakbo na 'to.
"Nandito ako para ibigay sa asawa ko ang naiwan niyang Cellphone. Kaso may kasama pala siya. Kaya pala nag madaling umalis kasi may kasabay palang pumasok?" Whut?! What did he say? Asaawa ko?
Nagseselos ba siya? Akala ba niya na Jowa ko si Ivo?
Namutla ako, baka iwanan ako at sabihin sa parents ko na may kabit ako kahit wala naman talaga.
Walang imposible kasi wala siyang gusto sa 'kin. Baka gawin niyang paraan 'yon para iwan ako? Ayoko! Ayokong iwanan niya ako! Hindi ako papayag. Mahal ko siya.
"Mali kanang akala, hindi ko boyfriend si Ivo. He just my friend."Paliwanag ko. Inirapan niya ako.
"I don't care kung may boyfriend ka. Do whatever you want. Wag kalang magpa-huli sa mga magulang natin."Sabi niya. Bigla tuloy akong nakaramdam nang kurot sa puso, ganern?
Mabilis kung kinuha ang cellphone ko sa kamay niya.
"Salamat dito." Sabi ko at tumalikod na. Mahirap talaga pag hindi ka gusto nang gusto mo.
Bahala nga siya diyan. Basta hindi ko jowa si Ivo. Wala nga akong gusto doon e. Kay Kerzen lang ako. s**t!
Bakit kasi ganun ang lalakeng 'yon. Palibhasa sikat at gwapo. Ang slow.
Aakitin ko kaya mamayang gabi? Bahala na ang kasunduhan na kailangan sa 20years old pa ako magpa-jugjugan sa 'kanya. Matanda na ako at alam ko na ang gagawin. Nasa tamang idad na ako. Pwede na akong magpabuntis. Pwede ko na siyang pikutin hehe.
Sige mamayang gabi iseset-up ko na ang plano ko. Kabahan kana Kerzen.
To be continue....