Chapter 4

1536 Words
Chapter 4 "Quinzel, let's go." Pangungulit ni Ivo sa akin, naka-akbay pa siya. "Ivo, ang daming nakatingin bigyan mo naman ako ng konteng awa." Sabi ko, baka susulpot nalang bigla si Kerzen at ma kita kami ni Ivo sa ganitong posisyon. "Don't mind them, i don't care about them." Sagot ni Ivo at ngumiti pa. "Naku! Pag ako sinapak ng mga unggoy mong fans mabalian ka talaga ng leeg." Sabi ko. Ngumiti siya. "Pft! You're so cute, halika na magla-lunch lang tayo e." Sabi niya at hinatak ako. Pumasok na kami sa loob ng Cafeteria, pinaupo na niya ako sa palage niyang inuupuhan pag kumakain siya dito. "Order lang ako." He said. Namimiss ko na ang hubby ko, ano kaya ginagawa niya sa mga oras na 'to? Kumain na kaya siya? Zel! Nasa hospital ang asawa mo, may trabaho 'yon. Ahh! Sa mga oras na 'to may mga pasyente pasyang inaasikaso. Teka? Sino kaya kasabay niyang mag lunch? Malala na talaga ako sa asawa ko huhu! Pati sarili ko kinakausap ko na. Dumating na si Ivo na may dalang maraming foods. Takam na takam ako. "Eat." He said at umupo na sa harap ko. "Thank you." Naka-ngiting sabi ko. Kumindat lang siya. "Last treat mo na 'to sa akin Ivo, kasi panigurado after ng klase susugurin nanaman ako ng mga mandirigma mong fans." Naka-ngiting sabi ko. Tumawa siya ng mahina. "Bakit kasi hindi mo pa ako papayagan na ligawan ka?" Tanong niya. "Manahimik ka nga Ivo. Ang playboy mo talaga?" Sagot ko. "Kaya kung mag seryoso pag ikaw ang magiging girlfriend ko." Sabi niya. Bigla tuloy akong na mula. "Edi sana all sineseryoso." Pagbibiro ko. "Seryoso ako."He said habang naka-tingin sa mga mata ko. Hindi kasi pwede ang gusto mong mangyare Ivo, kasal na ako sa ibang lalake. Tsaka mahal na mahal ko si Kerzen. May plano nga ako dun e mapa sa akin lang siya. "Mag-kaibigan na lang muna tayo Ivo." Sabi ko. Ngumiti siya. "First time kung ma basted haha! Sige. So friends?" Tanong niya. "Friends." Naka-ngiting sagot ko. "Kumain kana." Sabi niya. Nang matapos na kami sa pagkain ay lumabas na kami. Pumunta kami sa rooftop at nag uusap. Masaya siyang kausap. Kaya pala marami siyang nabibingwit na balyena, masarap siyang kausap yung tipong palage kang tatawa. " I want to travel with you, go to every country, every city. Take pictures and be happy." He said. "Basta sagot mo haha!" Pagbibiro ko. Pero nalulungkot ako dahil kahit naman siya lahat magbayad ayoko parin sumama, si Kerzen lang ang dapat na kasama ko. "Why not basta sumama ka lang." Sagot niya. "Kidding, hindi kasi pwede yan. Mag aaral pa tayo."Naka ngiting sagot ko. "College na tayo, pwede naman after graduation?" Sabi niya. "Save money Ivo, to your future." I said. "Oo na po." Sagot niya. -- GABI NA at wala pa si Kerzen panigurado mamaya pa ang dating niya. Nagluto na ang mga kasambahay at ako nagmumokmok dahil wala akong kwenta. Pagluluto lang 'di ko pa alam, pa'no nalang mahuhulog ang loob ni Kerzen sa akin nito? Ni pag luto ng makakain niya pag uwe hindi ko alam. Naisip ko ang plano ko kaya tumayo ako at pumasok sa banyo, kailangan mabango pa ako sa mabango. Hindi man ako marunong magluto atleast masarap naman ako when it comes to bed! So be ready hubby. RAWR! Naligo ako ng matiwasay, sinabon ang kailangan sabunin, kinuskus ang kailangan kuskusin. Nilinis ang kailangan linisin. Pagkatapos kung maligo ay talagang nag spray ako ng pabango sa katawan. Spray-an ang kailangan spry-an. Inamoy ko ang sarili ko with matching pikit mata. "s**t! Ambango mo Zel!"Papuri ko sa sarili ko. Inayos ko ang hihigaan namin at kailangan walang gusot, nag linis talaga ako ng bongga. Pagka-tapos ko ay pinili ko na ang pinaka sexy na pang-night sleep na dressed ko. Yung sexy talaga as in. Hapit na hapit sa katawan ko, yung kitang-kita ang hugis ng maganda kung katawan, yung kitang-kita talaga ang maganda kung dibdib. Pak ganern! Kulay pula pa taray 'di ba? Pang kontrabida ampeg! Taena haha! Nag ayos na ako ng mukha, konteng lipstick lang na waterproof para pag nagkikiss kami hindi matanggal hihi! Mabilis akong tumakbo sa veranda ng marinig ko ang sasakyan ni Kerzen. Tiningnan ko ang kotse niya sa baba, excited na ako! Sana tumalab talaga 'to. Lumabas na siya sa kotse niya. Aalis na sana ako dito sa veranda para puntahan siya pero s**t! Sino ang taenang babae na kasama niya? Inalalayan pa niya 'to palabas, s**t! Kabet niya? Makalbu nga. Gigil ako e. Mabilis akong pumasok sa kwarto at lumabas. Kailangan kung magpakita sa kanila. Halos madapa ako sa pagbaba sa hagdan makarating lang sa kinaroroonan ng asawa ko. Nang makarating ako ay tiningnan ako ni Kerzen. Naka-pamewang na ako ngayon. "Goodevening." Bati ni Kerzen at kitang-kita ko ang paglunok niya. Nginisian ko siya. Tiningnan ako ng babae. "Who is she?" Tanong ng babae. "Kapatid ng kaibigan ko." Sagot ni Kerzen. Napawi ang ngisi ko ng mapait na ngisi. "Hi!" Bati ng babae. Hindi na ako sumagot dahil tinalikuran ko na sila. Mabilis akong umakyat sa itaas at pumasok sa master bedrooms. Kinuha ang mga gamit ko at lumipat sa guestroom. Nang maka-pasok na ako sa guesroom ay mabilis akong nagtungo sa bathroom. Pinunasan ang mga lipstick, make ups. Pagkatapos ay ngumiti ako ng tipid sa harap ng salamin. "Kapatid ng kaibigan niya, ako? What the hell?! f**k!" "Oo nga pala, tago lang ang pagiging mag asawa namin, ano pa ba ang inaarte ko?" I want to cry. I really want to cry. But tears are not falling i guess this is another level of pain. Bullshit! "Hindi dapat ako nag mukmok dito, baka may gawin sila ng asawa ko?" Nagmadali akong bumangon at lumabas, nadatnan ko silang nagtatawanan. Nanggigigil ako. "Pft! Bakit kasi ang lampa mo dati?" Sabi ng babae. Hindi yata nila ako napapansin, hello! May tao po dito. Ako po yung asawa ng kalandihan mo. Depungal ka! "Ikaw din naman e." Sagot ng magaling kung asawa. Hindi nila ako napapansin, kaya nag lakad ako sa harap nila. Saktong nag ring ang cellphone ko. Time to acting hehe! "Hello! What? Ngayon ka pa nagparamdam? Galit na galit ako sa'yo." I said while acting gigil. ["Hey, what are you saying? Si tamara to baliw"] "Anong akala mo wala kang asawa? Gago ka pala e! Iniwan mo ako dito sa bahay ng kaibigan mo. Nakaka-hiya. Nandito yung girlfriend niya. I hate you." Sorry Tamara. Naiinis ako ngayon. Nadamay ka pa sa problema ko. Pero sana wag mong patayin ang tawag mo. Nagpaparinig lang ako. [' Ano? May girlfriend si Xylem? At nandiyan sa bahay niyo?"] "Yes! And i need you, kung kailan kailangan kita na wala ka pa! Ang gago mo. Sana hindi mo na lang ako pinakasalan kung itatago mo lang ako." [" At ako talaga ang nilabasan mo ng hinanakit mo, tsk! Kukunin kita diyan!"] "Ayoko! Lalayasan na kita! Sawang-sawa na ako sa 'yo. Wala kang kwenta!" Binaba ko ang phone at huminga ng malalim. Tumingin ako sa dalawa. Naka-nganga ang babae. At si Kerzen. Naka-kunot ang noo at naka-tayo na. "Okay ka lang ba?" Tanong ng babae sa akin. Hehe plastic mo te! "I'm not! Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Gigil na gigil ako sa asawa ko."I said. Habang hindi na ka tingin sa mukha ni Kerzen. "Saan ba ang asawa mo?" Tanong niya sa akin. "Nambababae, iniwan niya ako sa bahay ni Xylem para lang maging masaya sa iba. At sorry sayo Xylem. Pabigat lang ako. Naistorbo ko pa kayo ng Girlfriend mo aalis na ako ngayon din." Sabi ko at tatalikod na sana ako ng biglang may kamay na humatak sa braso ko. At hinatak ako papasok sa master bedrooms. And it's Kerzen. Mabilis niyang nilock ang pintuhan at nagsalubong ang kilay na tiningnan ako. "Hindi ka aalis. Asawa kita! Dito ka lang!"He said, ang lamig ng mga boses niya. Tumawa ako ng mahina. "Asawa? Kapatid ako ng kaibigan mo remember? Wag mo nga akong pinagloloko. Wala akong asawa single ako." Sabi ko. Pumikit siya ng mariin at bumuntong hininga. "I'm sorry kung 'yon ang nasabi ko kanina. Alam mo ang sitwasyon natin." He said. "Alam ko at wala akong pake! Wala akong pake! You know na gusto kita. Like na like kita Kerzen. Ikaw lang naman 'tong manhid e. Ngayon palayasin mo ang kabit mo. Dahil nagseselos ako." Sabi ko. "Look, hindi ko siya kabit. Kaibigan ko siya.  Sige paalisin ko na siya. Kalma okay?" He said at lumabas na. Gusto kung palakpakan ang sarili ko. Ang galing kung umakting! Inalis ko ang takip ng damit ko at litaw na litaw na ang kabuoan ng kasexy-an ko. Naka-dikwatro pa ako habang naka-upo. Pagka-bukas ng pintuhan ay nakita ako ni Kerzen. Kitang-kita ko ang pag-lunok niya. Gusto kung matawa sa itsura niya. "What are you doing?" Tanong niya habang naka-tingin sa akin. "Naka-upo lang ako."Painosenteng sagot ko. "B-bakit ka naka-suot ng ganiyan?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "May problema ba sa suot ko?" Tanong ko habang naka-ngisi. Ngumisi siya. "Yes, wag mo na ulit suotin iyan."He said. "Kasi naaakit ka?"Naka ngising tanong ko. "Kasi hindi bagay, at para kang baklang nag damit pambabae. Hahahaha!" Gusto ko tuloy kalbuhin ang asawa ko ngayon. Binubully nanaman ako. "Peste ka! Bakla!" Sigaw ko. Nakaka-inis. Mukha akong bakla? s**t! Hindi ko alam kung lalake ba talaga ang asawa ko. O nag damit panlalake lang? Taena! "You're so hot! I like your dressed tonight." He said at lumabas na. Whut!? Ano daw! Enebe! Hot daw ako, gusto daw niya ang suot ko! Taena! Totoo? "KYAAAAHHH! NAAKIT KO SIYA!" TO BE CONTINUE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD