CHAPTER 1

835 Words
Paglabas na paglabas ko palamang ng gate bumungad na agad sa aking sulok ng mata ang mga taong kung makipagbulungan ay aakalain mong mga bubuyog, sa sari sari store ni aling Pacita hindi kalayuan sa aming bahay. Talaga nga naman o ,wala bang day off ang mga to ? Wala kasing araw na hindi ko man lang nakita ang muka nila rito. Napailing na lamang ako sa kawalan. Habang naglalakad napansin ako ni Aling Marta ang leader ng kanilang grupo " Wow naman Kylie ganda ng porma a san ba lakad mo? siguro makikipagdate ka no? Tanong niya na sinamahan pa ng hagikgik.... kung titignan mo siya rito sa ganyang anggulo... muka siyang asong ulol----- Joke lang HAHAH Unang una ho anong paki alam niyo? Charr Sapilitan naman akong ngumiti, syempre no kailang kong maging disente "maghahanap ho ng trabaho~~~~ Makaraan ang ilang minutong question and answer portion ay ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad ,sila nama'y ipinagpatuloy ang naudlot nilang chismis. Seryoso , wala ba silang magawa sa buhay imbes na magkalat ng mga bagay na wala namang katotohanan at makipagplastikan bakit kaya hindi nalang nila asikasuhin ang mga anak at asawa nila . Halos lahat ata ng makitay chinichismis. Sabagay maganda na rin yun ng may CCTV rito at ng may pakinabang rin sila. Naala ko nga yung kwento ni Vivien, kaibigan ko rito. Nang bumili raw siya siya sa tindahan nila aling Pacita y rinig na rinig raw niya ang pangalan kong binabanggit nila, ewan ko nalang kung tungkol saan. Pero wala nakong paki alam doon haha. Syempre kahit ganun ang mga ugali ng mga yon karamihan ditoy hindi na sila pinapatulan and of course, I dont want to waste my time to a person who's not even worth it, shocks tama ba yong grammar? Di kalayuan muli ko nanamang nakita ang isang grupo na umiinom at nagsusugal... Napangisi naman ako ng makita ako ni Kuya June, isang taon lang ang tanda sa akin peri matagal ko na silang kilala sila ng mga kabarkada niya na kaibigan ko rin dito , syempre bas bet ko silang kasama kaysa sa mga nandon dahil walang halong plastikan at trotrpa anng turingan ,sinenyasan niya akong lumapit. "O inom muna " sabi niya sabay abot ng baso Gagong to ano nalang reaksyion ni papa pagnakita niya ako ritong inaabutan ng alak, talagang malilintikan ako. Inambahan ko siya ng sapak ,agad naman niyang itinaas ang kamay niya upang isalag. " Relaxxx umaandar na naman yang pagka amazona mo, saan bang punta mo't nagmuka ka yatang tao ngayon? Tanong niya habang humahagikgik " Maghahanap HO ng trabaho" sagot ko sabay flip ng hair " Ikaw ?maghahanap ng trabaho ?baka nga hindi ka pa nakakalapit sa building eh , hinarang ka na ng guard----- *PAK* Hindi ko na pintapos yung sasabihin niya dahil nakatikim na siya sakin ng sapak. HAHAHAHA ang epic ng itsura niya. Napansin naman ako ng ibat binati ako, dahil siguro sa ingay namin HAHAHA. Ibinalik ko ang tingin ko sa unggoy na to, ang sama ng tingin niya sakin " Abat napaka amasona mo talaga " " Sorna " sabi ko habang nakanguso Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya " O anong gagawin ko diyan ? putulin ko pa yan eh " tanong niya Hinampas ko naman siya ng mahina " Balato naman diyan mukang laki ng panalo mo eh" kako sa kanya " Tignan mo to pag may kailangan ang amo ng muka " sabi niya habang dumudukot sa bulsa , saka inilahad sakin ang limang daan " pasalamat kat malakas ka sa akin" Kita mo to ang daming satsat magbibigay rin pala HAHAHA , yes! Dagdag pamasahe. Agad naman akong nagpasalamat saka siya minasase ng kaunti at syempre hindi ko narin pinalagpas ang iba HAHAH. Nagpaalam na ako pagkatapos ko silang hingan isa isa " BURAOT!" rinig ko pang sigaw ni kuya june ,tumawa naman ako ng malakas habang binbilang ang mga binigay nila sakin . 2500 lahat , yes malaki narin to. Nagtataka siguro kayo kunga bakit ang laki , anu pa nga ba syempre ang GANDA KO! HAHAHA Kung hindi na kaya ako magtrabaho at ganon nalang ang gawin ko , nambunuraot hihi. Huminto namuna ako sa waiting shed habang naghihintay ng jeep. Habang nakatayo tinignan ko muna ang mga resume at requirements ko ,pati narin yung listahan ng kompanyang susubukan ko. 3 lang naman yung nakalista Montenegro's Limited liability company Sebastian's C Corporation Silvatore's Real State Company Ahh okey----- sh*t ano nga yung pangatlo?! Binalikan ko ulit ang pangatlong nakasulat saka inulit ulit na binasa, nagbabakasakaling namamalikmata lang ako. Papaanong--- Napahilamos ako ng muka, papaanong hindi ko man lang ito nakita.. Napabuntong hininga ako , sabagay hindi lang naman sila ang Silvatore sa buong mundo .At saka meron pa namang dalawang kompanyang susubukan ko , may posibilidad naman na makuha bago makarating sa pangatlo, kumbinsi ko sa sarili ko. Hanngang sa nahulog ako sa malalim na pag iisip,kaya di ko na namalayan na nandyan na pala yung jeep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD