Till You Be Mine CHAPTER 42 Sabrina Pov Bagaman inihahayag ni Trevor kay Kiana kung gaano kaimportante si Sabrina sa kanya, parang ang tunog ay nagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa kanya. Sinabi ng lalaking ito sa harap ng kanyang dating girlfriend at sa harap niya na siya lamang ang babae sa mundo makakagawa ng kahit ano mundo ng walang pag aalinlangan. Niyakap ni Trevor si Sabrina at inilabas na niya ito, wala siyang pakialam kung anuman ang nadarama nito sa oras na iyon. Nang nasa loob na sila ng sasakyan. Nakangiti si Sabrina.’ Masaya ako ngayon dahil maraming natalo sa design ko. Nanalo ako at masaya din ako sa tinuran mo kanina. Pakiramdam ko tuloy ako ang pinakamasayang babae sa buong mundo! ‘Dahil masaya ka ngayon, ikaw ang responsable sa aking kaligayahan sa susunod na araw!

