Habang nag hihintay naman si Valeri kay Derek sa parking lot habang naka sandal sa sasakyan ni Derek ay gumagamit naman ito ng cellphone habang kausap nya pa rin si Aubrey na hinahanap sya. “Saan na ba kayo jusko akala ko ba malapit na kayo sa university,” pag basa ni Valerie sa message ni Aubrey. Napa tawa na lamang si Valerie sa mga inaasta ni Aubrey sa kanya. Alam nyang napaka overprotective ng best friend nya na yun na kung minsan ay nagiging nanay na ito sa kanya ngunit alam naman ni Valerie na para lang naman sa kanya ang pagiging magalitin ni Aubrey. Kanina pa rin daw sila nag hihintay ni Kyla sa kanya sa gate ngunit nauna nang dumiretso si Kyla sa practice nito at si Aubrey naman ay dumiretso na ng classroom. Nagreply naman si Valerie na hintayin na lamang sila ni Derek sa clas

