Isang buwan na kaming nag-aaral sa Illustris. Mag-iisang buwan narin kami ni Luke sa susunod na linggo, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon na parang gusto ko na lamang mabuhay dito ng matagal. Gusto ko ng talikuran ang pagiging tagabantay ko kay Luke, kung hindi ay gusto ko nalang maging kabiyak niya habang-buhay. "Cass, are you done?" tanong sa akin ni Patricia kaya napatingin ako sa kanya. May pinagawa kasing activity si Ma'am Salazar sa amin at medyo nahihirapan siya. "Yup. Kakatapos ko lang din," sagot ko sa kanya sabay bigay ng gawa ko. Kinindatan niya naman ako sabay sulat narin. Napangiti naman sa akin si Luke na tapos narin sa ginagawa. Napatingin din ako kay Danish na pasimpleng hinahawakan ang kamay ni Luke, pero agad naman itong kinukuha ni Luke. Ang kapal di

