Third Person's POV Nagmamadaling umalis si Sydney ng bahay ni Andrei. Hindi niya akalain na sa sobrang bait at maamong mukha ni Andrei ay may itinatago rin palang kademonyohan sa katawan. Hindi niya makalimutan ang kanyang nakita lalo na ang babaeng nakaibabaw rito. Lakad-takbo ang ginawa ni Sydney. Hindi na niya alam ang gagawin niya at kung saan pa ba siya pupunta. Hanggang sa naisip niya ang condo ni Robi. "Tama! Doon na muna ako pupunta!" Biglang sambit niya. Sumakay siya ng taxi at sinabi ang natatandaang address ng condo ni Robi. Nagmamadaling sumakay siya sa taxi habang palinga-linga sa kanyang paligid. Sobrang hirap ng pinagdaraanan niya ngayon dahil para siyang isang criminal na nagtatago sa alagad ng batas. Para bang wala siyang laya at anumang oras ay meron ng pwedeng d

