Third Person's POV Napahawak siya sa kanyang balikat ng tamaan siya ng bala. "f**k!" Napamura siya at dali-daling nagkubli sa isang sulok habang hawak-hawak ang balikat niyang panay ang agos ng dugo. Alam niyang hindi siya pwedeng magtagal sa sulok na iyon kaya patakbo niyang binabaybay ang daan palabas ng airport. Nagkakagulo na ang mga tao kaya nagkaroon siya ng pagkakatalong makaalis ng hindi nahahabol ng mga tauhan ni Don Enrico. Habang tumatakbo siya palayo ay sa itaas siya nakatingin at na-pangiti siya ng makaalis na ang kanyang mag-ina. Alam niyang safe na ito sa pupuntahan kaya hindi na siya nag-aalala. Sumakay agad siya sa kanyang sasakyan. Mabilis niya yung minaneho at kahit masakit ang braso niya ay tiniis niya iyon. Nang makalayo ng hindi namamalayan ng mga ito ay inih

