Third Person's Pov "Oh, anak? Saan ka pupunta? Hapon na, ah?" "Kay Kuya Robi, mom." Maikling sagot ni Sydney sa kanyang Mommy Cornelia. "K-kay Robi? Bakit anong gagawin mo sa condo ni Robi?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina at halata ang kaba nito base sa pagsasalita nito. "Ipagluluto ko lang po. Ayaw nyo po nun? Hindi na siya galit sa akin. Matatanggap na niya ako bilang stepsister niya." "Oo nga sana, anak... P-pero mag iingat ka pa rin, huh? Tawagan mo agad ako pagkarating mo doon." "Okay po, mommy!" Natutuwang saad ni Sydney dahil hindi na tumutol ang mommy niya. Niyakap lang niya ito at hinalikan sa pisngi saka lumabas na rin. At kagaya ng dati ay nagtaxi lang siya papunta sa condo ni Robi kahit na marami naman siyang kotse na pwedeng gamitin. Ayaw niya kasing isipin ng

