Third Persons POV "Sir Robi? Gising!" Ani Mang Ador na pilit ginigising ang kanyang amo na nakahandusay sa buhanginan. Puro ungol lang ang sagot ni Robi. Hindi halos maimulat ang mga mata at hindi halos makabangon dahil sa tinamong sugat sa katawan dahilan ng pambubogbog sa kanya ng tauhan ng daddy niya. Tinutulungan siya ni Mang Ador na makabangon at makatayo hanggang sa makaipon na siya ng konting lakas. Akay-akay siya nito papasok sa loob ng kanyang white house. Kinuha agad nito ang medicine kit. At agad na nilinis ang mga sugat ni Robi sa mukha. "Jusko! Sino po ba ang may kagagawan nito sa inyo at nasaan po si Ma'am Sydney?" Hindi makapaniwalang saad ni Mang Ador. Panay ang salita at kausap ni Mang Ador kay Robi ngunit nananatiling tulala ito at hindi nagsasalita. Nakatitig

