Third Person's POV Nakatitig sila sa isa't isa. Walang gustong magsalita at walang gustong kumurap. Tila ba napagtanto ni Robi na mali ang ginagawa niya kay Sydney kaya agad niyang binitawan ang dalaga. Tumalikod na at lumabas na ng silid ni Sydney. Natigilan naman si Cornelia ng makita niya ang paglabas ni Robi mula sa silid ng anak niya. Nakasalubong niya si Robi pero hindi siya nito pinansin at basta na lang nilampasan. Nagmamadaling pinuntahan ni Cornelia ang kanyang anak. Hindi na siya kumatok at basta na lang pumasok sa silid ng anak nito. "Sydney?" Tawag niya sa anak pero nakita niya itong nakasandal pa rin sa pader kung saan siya idinikit ni Robi kanina. "Sydney? Okay ka lang ba? May ginawa ba sa'yo si Robi?" Nag aalalang tanong ni Cornelia sa anak niya tila ba nangingini

