Third Person Pov "Nakauwi ka ka pala? Kamusta pala kagabi? Napagalitan ka ba?" Dire-diretsong tanong ni Ella kay Sydney ng makita niya ito sa gilid ng swimming pool habang umiinom ng kape. "Oo, inihatid ako ni Kuya kagabi. Pagkahatid nga niya sa akin ay umalis din siya kaagad at hindi na nag-abalang pumasok pa dito," ani Sydney sabay higop sa kape niyang medyo lumalamig na. Kanina pa kasi siya nakatambay sa swimming pool dahil halos hindi siya nakatulog kagabi sa kakaisip sa Kuya Robi niya. Nagtataka kasi siya kung bakit bigla na lang siya nitong pinauwi. Gusto pa naman sana niyang ipagluto ito ng almusal pero hindi na niya nagawa. "Pero pinagalitan ka niya?" Tila ba nag aalalang tanong ni Ella. Alam kasi nitong galit si Robi kagabi lalo na sa kanya. "Hindi naman. Sa totoo lang,

