Third Person's POV "Huwag mo akong subukan, Robi!" Sigaw ng kanyang ama na may pagbabanta sa kanya! Pero hindi nagpatinag si Robi. Kinapkapan niya ang kanyang ama at kinuha pa ang baril nito sa tagiliran. "Robi!" "I need to do this, dad!" Hinila niya si Sydney palabas ng kotse habang nakatutok pa rin ang baril sa kanyang ama. He had no choice. Kailangan niyang gawin ang bagay na yun para lang hindi mailayo sa kanya ang taong mahal niya. "I'm sorry, Daddy. Pero mahal ko po talaga si Sydney. Gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit na kapabanin ka pa. Ikaw ang nagtulak sa akin na gawin ito kaya ikaw na ang bahala kung magagalit ka sa akin, Daddy." Tuluyan ng isinakay ni Robi si Sydney sa kanyang kotse. Ngunit bago sila makaalis ay nagbanta pa ang kanyang ama. "Tandaan mo ang araw

