FRANK "YES! It's him. Find that man and I'm sure, hindi pa nakakalayo ang tarantadong 'yon," gigil na sabi ko sa pulis na agad na rumesponde sa lugar. Pagkuwa'y muli akong pumasok sa opisina ng restaurant ni Selena at muli siyang nilapitan. "How are you feeling?" agad na tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. I asked her if she would like to be taken to the hospital but she insisted. Nanghina lang daw siya dahil sa pagkakasikmura ni Riggs sa kaniya at sa takot na nadama kanina. "I-I'm okay now," aniya pero kababakasan pa rin ng pamumutla. Iniabot ko sa kaniya ang bottled water na pinakuha ko sa isa sa mga waitress doon. Binuksan ko na 'yon para sa kaniya kaya deretso na niyang nainom. "Are you sure? Ano pa ang mga ginawa niya sa 'yo?" Nakuyom ko ang mga kamao. Kung alam ko lang na ga

