SELENA PAGDATING namin sa unit ni Frank, pagbukas pa lang niya ng pinto ay dere-deretso na akong nagtungo sa loob at pasalampak na naupo sa couch. Wala pa rin kaming kibuan mula kanina. Nainis na rin ako sa kaniya dahil parang hindi niya tinatanggap ang paliwanag ko. Parang wala siyang tiwala sa 'kin. Eh ikaw rin naman noon, 'di ba? But at least 'yong nakita ko naman sa kaniya noon, kahit sino talaga ay magseselos, hindi ba? I know Joseph was a gay since college at wala naman talaga kaming ginagawang masama. He never dared kiss me, kahit nga ang dulo ng kuko ko ay hindi hinalikan niyon. Eh, siya? Nagpapahalik nga siya sa ibang babae, sabihin mang kaibigan o stepsister niya iyon, babae pa rin. Hmmmp! We keep o fighting over small things, kababago-bago pa lang ng relasyon namin. Sign na

