SELENA I'LL FETCH YOU AT EXACTLY 5PM. - From the one who will turn the world for you, LFSD. Lorenzo Frank San Diego. Agad kong itinapon ang papel pati ang pinaglagyan niyong pink na envelop sa basurahan. Pagkuwa'y naiinis na napatayo sa mesa. First day of work matapos kong makabalik matapos ang isang buwang pagbabakasyon, heto't sisirain agad ng walanghiya ang araw ko. From the one who will turn the world for you... "Hah! Baka ang ibig niyang sabihin, 'From the one who will ruin your world'." Gigil na sinipa ko pa ang nasabing basurahan. "Grabe ka, girl! Talagang hate na hate mo?" amused at natatawang komento ni Joseph. After naming mag-lunch ni Issa ay sa coffee shop naman nito kami nagpunta. Kailangan kong magpalamig ng ulo kahit pansamantala. Mula nang 'manggulo' ang Frank na

