MARA’s POV “H-Ha?” wala sa sarili kong tanong. Bigla yatang hindi gumana ang utak ko dahil sa gulat at bilis ng mga pangyayari. Napakurap kurap ako at literal na napanganga. “Yey! Daddy is proposing!” Masayang bulalas ni Ambrose. “A-Anong.. b-bakit?” Hindi ko na alam kung ano ang pinagsasambit ko. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak ni gov sa aking kamay. Napatitig ako sa kaniyang mga nangungusap na mata. Shit! Nakakapanghina! Mas lalong hindi gumagana ang utak ko! “Baby, please marry me.” Pakiusap niya pa. Mas lalong umawag ang labi ko nang makitang lumuhod din si Ambrose sa aking harapan. “Mommy, please marry my daddy.” Pakiusap pa ng anak namin. Parang biglang sumakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Nakikipag away lang ako kanina eh tapos ngayon heto na at.. Jusko

