MARA'S POV "Okay nga lang ako, Gov! Wag na tayong tumuloy, umuwi na lang tayo kasi!" asik ko habang nasa sasakyan kami. "No, baby. We should go to the hospital baka may internal bleedings ka." seryosong saad ni Gov na ikinanguso ko. Ang oa naman ng lalaking ito. Kinalabit ko si Ambrose sa aking tabi, magpapatulong sana pero ang anak ko ay sang ayon sa tatay niya! "Daddy is right, mommy ko." wika ni Ambrose sabay ngiti. Napakamot nalang ako sa buhok. "Mag tatay nga kayo! Pareho kayong OA!" asik ko sa kanilang dalawa. Alas tres palang ng hapon tapos umalis na agad kami sa opisina niya. Alas singko kaya ang off ng work! Malapit lang din naman ang ospital na sinasabi nila kaya agad kaming nakarating dito. Halos malula ako sa ganda ng ospital na yun! Kahit nasa labas palang kami.

