Pagkatapos naming kumain ay iniligpit niya ang pinagkainan namin at lumabas sandali sa kwarto. Inayos ko muna ang higaan at itinext kay Alexa na magkita kami sa isang hotel. Pagbalik ni Gov sa kwarto ay nakahiga na ako. Tinapik ko ang katabing espasyo kaya tumabi siya sa akin at yumakap na naman. “Let’s sleep, Logan..” Pahayag ko. “Hmm..” He just hummed at ipinikit din naman ang mga mata. Napalunok ako at ipinikit din ang mga mata pero wala akong planong matulog talaga. Halos 20 minutes ang pinalipas ko bago ako dahan dahang dumilat at tiningnan ang natutulog kong fiancee. Labis labis ang kaba sa dibdib ko sa naisip gawin. Dahan dahan akong bumangon sa kama. Tinitigan ko muna ang mahimbing na natutulog na si Gov. Magkasalubong ang kilay niya at mukhang masungit talaga. Mahina a

