CHAPTER NINETEEN KATELYN Being afraid of losing someone means everything. PAGKAUWI sa bahay ay tinawagan ko kaagad si Cindy para mapagsabihan ng mga napag-usapan namin kanina ni Rappy. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa dibdib ko ang kaba dahil sa ipinagtapat niya. Kahit pilit kong pakalmahin ang sarili ay hindi pa rin ito nagbabago. He love me? How? Since when? "Teka, ha! Hindi ka manlang ba nagtanong kung kailan pa? I mean, seriously? He confess and you say nothing?" Naigulo ko ang buhok ko habang nakasalampak ang katawan sa sofa. "Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon o sabihin," depensa ko. "E ang dapat mong maramdaman?" Naitikom ko ang bibig ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin sagot sa kanina pang tanong sa isipan ko. What is wrong with me?! "Hi

