Chapter ten Katelyn Saying goodbye is the bravest things I've ever done. Mainam kong tiningnan ang buong paligid, ang mga dahon nitong unti unti nang nag-iiba ng kulay dahil sa weather, ang mga magaganda at mababango nitong bulaklak, at ang magagandang structure sa loob ng isang malaki at magandang hardin. Hangga't maaari'y gusto ko muna 'tong pagmasdan dahil alam kong ito na ang huling sandali na maari ko itong mapuntahan at makita. Natigilan ako sa paghawak ng bulaklak nang 'di kalayuan sa kinatatayuan ko, ay tanaw ang malaking fountain at sa ibaba niyon sa bench ay nakaupo ang taong dahilan ng pagpunta ko rito, si Rappy. Nakasandal lang siya sa backrest ng inuupuan niya habang bahagyang nakayuko at pinaglalaruan sa daliri ang susi ng marahil ay kotse sa niya. Kahit sa ganito kal

