CHAPTER THIRTY SIX KATELYN SA loob ng isang linggo ay nagawa ko rin maglaan ng oras para kina Mama. Namasyal kami nang sa ganoon ay ma-enjoy nila ang pagbabakasyon dito sa Pilipinas. Nagawa rin namin asikasuhin ang firm at ipakilala ako sa mga makatatrabaho ko. Tuwang-tuwa pa si Mr. Garcia nang makita ako at sinabing na-excite raw siya nang sabihin sa kaniya nina Rappy at Tito Allan na ako ang magtatrabaho para sa perang i-invest ni Tito Allan. Sa loob ng isang linggo ay medyo naging abala ako dahil kina Mama at sa trabaho, tinulungan ko rin si Cindy na maghanap ng bagong titirhan. Apartment na malapit lang sa restaurant na pinapasukan niya ang hanap niya. Ang sabi ko sa kaniya ay gusto ko sanang sa bahay na siya tumira dahil talagang na-enjoy ko ang accompany niya. Ang kuwentuhan at h

