GLASE’ POINT OF VIEW Tahimik akong nakaalis ng mansion ng mga Montecarlos sa tulong ni Ate Lay at ng triplets. Saktong bago magising ang mga bantay sa gate ay nakalabas na ako. Hinatid ako ng triplets sa maaari kong masakyan. Binigay din nila sa akin ang maliit na cellphone na ‘di na raw nila gaanong nagagamit. May load pa iyon at nakalagay ang contact number nila. Dinagdagan din ni Ate Lay ang perang nasahod ko. Buo na ang loob kong umalis dahil ‘di ko na talaga kaya pa. Kasalukuyang narito ako sa maliit na bahay ni Ate Lay na tinutuluyan din ng triplets kapag bakasyon. Nag-iisa lamang ako ngayon dito. Nagpasalamat ako sa kanila bago ako tuluyang maiwang mag-isa. Paumanhin Kellix, pero ‘di ko na talaga kaya pa. Akala ko mahal mo ako, mukhang ‘di ko na papaniwalaan pa ‘yon simula ngayo

